^

PSN Opinyon

Digong umatras, sino makikinabang?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sa tingin ko, sa pag-atras ni Presidente Duterte sa karera sa pagka-senador, ang naging impresyon sa kanya nang marami ay isang lame-duck leader. Ibig sabihin, natu­ringang pinuno pero wala nang impluwensiya. Siya ang titular head ng administration party na PDP-Laban kaya negatibo ang epekto sa dominant party.

Wala na nga itong pambato sa pagka-Presidente, isa pang lame-duck ang namumuno rito. Mahirap arukin ang rason ni Duterte sa pag-atras. Ang impresyon ng taumbayan sa kanya ngayon ay isang taong urong-sulong sa kanyang mga desisyon.

Nauna siyang nagpahayag na tatakbo sa pagka-bise presidente pero sa bandang huli, nagbago ang kanyang isip. Inatasan niya ang kanyang “fair-haired boy” na si Sen. Bong Go na tumakbo sa pagka-presidente sa ilalim ng PDP-Laban. Nag-file ng COC si Go pero kalaunan ay umatras din. Halos sabay sila ni Duterte na nagharap ng pag-atras sa Comelec kamakalawa.

Konklusyon ng iba, isa lamang itong drama para lalong lumakas ang BBM-Sara team. Kung baldado nga naman ang ruling party, lalakas ang kasunod na dominant party ng BBM-Sara. Ngunit para sa iba, ang ginawa ni Duterte ay self-destructive at malaking bentahe para manalo ang oposisyon sa darating na eleksyon.

Nakapagtataka. Matapos sabihin ni Sara na sinusupor­tahan niya ang senatorial bid ng kanyang tatay, ilang oras lang ang lumipas ay sumugod si Duterte sa Comelec office para iurong ang kanyang COC sa pagka-senador. Ito kaya ay totoong pagkainis ng tatay sa anak dahil sa pagpanig ng huli sa taong inaayawan niya?

“Weh hindi nga” sambit naman ng iba na naniniwalang ito ay bahagi ng taktika para lalong palakasin si Marcos.

vuukle comment

PDP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with