^

PSN Opinyon

Mga ‘dorobo’sa BI?  

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MARAMING NAIA Immigration people ang sinibak the other day. Ipinadala sila sa main office para doon mag-report kaya naman nagpalakpakan at naglundagan sa tuwa ang ginawang aksyon sa mga inilipat.

Sabi  nga, belat buti nga, hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naglahong parang bula na rin ang dalawa sa tatlong bugok na itlog sa airport matapos mabuko ang kanilang “magic” sa pagpapalusot at pangingikil sa mga sinasalyang mga pasahero going abroad at coming sa Philippines my Philippines specially mga ilegal tsekwa workers na gusto ng job sa atin.

Mukhang itinira pa ang mga korap na sina alyas Hassle Putok at alyas Shine Iskoba. Bakit kaya? 

“Buti nga at wala na ang kambal tuko na sina alyas Wow Wow Win at alyas Kakawag-kawag dahil grabe na ang mga pinaggagawa nito sa NAIA lalo’t duty ang mga bugok,” sabi ng mga kuwagong binubukulan.

Kambiyo issue, totoo bang may mga na-exclude na mga tsekwa pero bakit kinabukasan may recall exclusion umano ang mga ito?

Mukhang may something money dito noh? 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, minsan may 12 passengers sa NAIA-T1,  sa T3 merong 20 passengers. Mga Chinese ­natio­nals sila na nagkaroon diumano ng recall exclusion orders? Paging DOJ Sec. Menardo Guevarra, your honor, pakibusisi nga itong mga “gimikan” sa airport.

Totoo kaya ito BI Commissioner Jaime Morente, Sir? 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  ikaw din ang pumipirma ng recall exclusion at may mga tsismis na may stamp pad umano na ginagamit na may lagda mo pa diumano? Nagtatanong lang po.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung magkano ba ang naipasok sa kaban ng bayan sa salaping hinataw o pumasok lamang ito sa bulsa ng mga sipsip na nagpapakilalang mga pinagkakatiwalaan mo raw? Pakisiyasat mo nga ito.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

IMMIGRATION

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with