^

PSN Opinyon

Mga anak ni Hudas sa BI-NAIA malapit na kayo  

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IIMBESTIGAHAN ng isang ahensiya ng gobyerno­ ang BI-NAIA partikular ang salyahan ng mga undo­cumented workers planning to go abroad lalo na sa Middle East.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ahensiyang mag-iimbestiga sa kati­walian ng mga kumag na immigration people sa NAIA ay nagbago rin ng mga personnel para hindi makilala ang mga probe team na magtatra­baho sa mga korap sa airport. Ika nga, mga bagong mukha sila at ala-agent U2-10 ang mga maniniktik.

“Sa mga mahuhuli, buti nga sa inyo ayaw pa ninyong tumigil sa katiwalian,” sabi ng kuwa­gong bukolero.

Kuwento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Wow Wow Win, ang amo nitong si alyas Atorni Adapon Kapulot at mga aso nila sa NAIA ang tinitiktikan dahil ayaw tumi­gil sa mga kalokohan.

May tatlong pangkat ng mga korap BI people sa airport. Ang isa ay minamanduhan ni alyas Wow Wow Win, ang sinasabing nagbagsak ng presyo ng perang kinikikil sa mga sinasalyang illegal­ workers going abroad at mga dumarating na tsekwa sa airport na walang maayos na dokumento na gustong magtrabaho sa Philippines my Philippines.

Sina alyas Atorni Adapon Capulot at alyas Wow Wow Win ay may mga pending case pa pero dahil malalakas sa taas, napapayagan ang mga kamoteng makapag-duty pa at nalagay pa sa juicy positions.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana masampolan agad ang dalawang mag-amo at mga aso para matigil na ang mga kalokohan ng mga korap con mangingikil sa pali­paran.

* * *

Maniac con rapist huli

Dalawang maniac con rapist ang nahuli ng mga tauhan ni PRO5 Regional Director General­ Jonnel Estomo sa dalawang probinsiya sa South­ern­­ Luzon. Hindi na nakapalag sina Seth Jesoro, 58, labo­rer ng Bgy. Libong Castilla, Sorsogon at Ali Egalan­ Masaglang, aka Randy, 36, ng Bgy. Osiao, Bacon District, Sorsogon City. Ang mga halimaw ay may warrant of arrest at no bail recommended. Binabati ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga tauhan ni Estomo sa pagkakahuli sa mga maniac con rapist.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with