_ngayon
^

PSN Opinyon

Sino pa ang pinatatamaan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagnegatibo sa cocaine si Presidential aspirant Sen. Ping Lacson at ka-tandem na si Sen. Tito Sotto. Nagnegatibo rin si Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong. Si Sen. Bong Go ay handang sumailalim daw sa drug testing anumang oras. Si Manny Pacquiao ay sumailalim na rin sa drug testing at negatibo. At ang presidential aspirant na alam ng lahat na tinutukoy ni Duterte, si Bongbong Marcos, ay nagsabi na negatibo siya sa cocaine. Sinabi niya na pinawi nito ang anumang haka-haka na siya ang tinutukoy ni Duterte. Kaya ang tanong, sino ang pinatatamaan ni Duterte?

Para sa taong nagsasabing galit siya sa illegal drugs, bakit hindi niya pinaaksiyunan sa anti-drug operatives na imbestigahan at arestuhin ang gumagamit ng cocaine? Ikumpara ito sa ginawang mga raid kung saan may mga namatay, kabilang ang kontrobersiyal na raid kung saan naroroon ang dating staff ni Davao City Mayor Sara Duterte ngunit kinalaunan ay pinalaya. Kaibigan ba niya ang tinutukoy na ito na magpapaliwanag sa pagiging tahimik sa isyu pero ngayong tumatakbo kalaban ang kanyang kandidato, nagpasya siyang i­bunyag? O basta na lang may ibinabato si Duterte para paboran ang kanyang kandidato?

Natatandaan ko ang isang okasyon kung saan siniraan niya ang kandidato gamit ang maling impormasyon para matalo. Tila sanay na si Duterte na sabihin ang anumang gusto at ipauubaya sa kanyang gabinete na magpaliwanag na lang. Mas maganda kung pa­pangalanan na lang niya ang gumagamit ng cocaine para matapos na ang haka-haka.

Makikita na pili ang mga target ni Duterte sa kampanya kontra iligal na droga. Mga maliliit na isda ang nalalambat habang ang mga malalaking isda ay hindi mahuli. Nakita kung paano pinatay ang mga mayor na sangkot umano sa iligal na droga. Pero itong presidentiable na cocaine user, ngayon lang binanggit at wala pang aksyon?

Asahan na ang marami pang paninira habang papalapit ang election. Ang mga bangayan sa social media ay nagsimula na. Ang internet ay nagsisilbing larangan ng digmaan kung saan disinformation at fake news ang sandata. Suriing mabuti ang dumi at malaman kung anong impormasyon ang totoo. May pag-aaral ang nagsiwalat kung aling grupo ng mga botante ang mas madaling maniwala sa fake news kaysa sa iba.

TITO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with