_ngayon
^

PSN Opinyon

Disqualification o surrender?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Ang sinasabi ng Commission on Elections (Comelec), si Bongbong Marcos daw ang “the most legally challenged in Philippine election history.”

Ang dami n’yo pang sinasabi, diretsuhin, tumbukin n’yo na. Sa kasaysayan ng eleksiyon sa Pinas, si BBM ang “the most opposed, the most battered at puwede na ring sabihing “most hated” presidential candidate.

Bakit? Bugbog sarado sa mga isyung ibinabato. Hindi lang ng kanyang mga katunggali kundi nang maraming sector na ayaw at galit sa pangalang MARCOS. Ginagawa ang lahat whatever it takes. Kahit below the belt na ang mga tirada. Para palambutin, battering him to submission, para kusa nang sumuko.

Kaso mo, hindi makuha sa panggiba kaya’t kaliwa’t kanan at patung-patong na kaso at petisyon naman ang ginawa. Ang Comelec ang binubugbog, bakasakaling mapilitang umatras sa pagtakbo si BBM. Ang nakakapagtaka, lahat nang klase ng pangongontra – emotionally­, psychologically, mentally and physically, nagawa na yata. But then, the more they are doing it, lalong lumalakas, the stronger he gets.

Parang kanta lang, the harder they try, the bluer they get.  Ang mga kontra at galit, lalong nabubuwisit na may halo ng lungkot. E, kasi hindi tinatablan ang kanilang tini­tira, sawalang kibo lang. Dedma, ignore.   

Naalala ko ang isang nabasa ko noon – “the greatest insult to man’s very existence in this world, is being ignored that you exist.”

Ang pinakamalaking insulto sa pananatili at pagkatao mo sa mundong ito ay ‘yung hindi ka pinapansin at hindi ka napapansin, o sadyang hindi ka pinapansin. Dito gigil na gigil ang mga nambubuwisit.

Okay pa ngayon ang mabahong utot, naamoy sa ayaw at sa gusto mo. Pero ‘yung ingay, panggigiba, paninira at pambubuwisit, ‘di pa rin pinapansin. Baka kailangan nang mag-change tactic o magbago ng strategy.

FERDINAND MARCOS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with