^

PSN Opinyon

Nagnegatibo na nga, mali pa rin!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Hindi mawala sa isipan ng taumbayan kung sino ang tinutukoy ni Pres. Rodrigo Duterte na pulitikong tuma­takbo sa pagka-presidente na nagko-cocaine raw.

Kaya para matuldukan ang espekulasyon, suma­ilalim na sa cocaine test si Presidential aspirant Bongbong Marcos.

May balitang nauna pa nga raw ito kaysa kina Sen. Ping Lacson at Sen. Tito Sotto.

Ang kaso, isinumite na’t lahat ang resulta sa PDEA, PNP at NBI, may mali pa rin! Kiyaw-kiyaw pa rin ng mga kontra Marcos, bakit hindi sinabi ni BBM na nagpa-drug test siya? Bakit kung kailan tapos na?

Kulang na lang sabihin, dapat naroon ang media at nakabantay sa kanya simula pagpasok sa facility, pag-ihi sa cylinder, kinukunan ng camera habang jumi-jingle, maidokumento lahat nang humawak at pinasahan ng kanyang ihi para walang switching, walang kukurap, walang pipikit.

Ang iba naman, bakit sa private facility nagpa-drug test, hindi sa PDEA?

Ang gusto kasi talaga, hindi pumasa sa drug test. Eh nag-negative – may conspiracy daw, may nagsabwatan!

Kaya ang sigaw nila, dapat ulitin! Kalokohan daw ang drug test ni BBM. Ibang klase talaga mag-isip, talagang hahanapan at hahanapan ng butas anuman ang kanyang gawin – kawawang BBM!

Lumalabas ang tunay na intensiyon sa kanilang mga galit. Magbitiw na’t umatras sa pagtakbong presidente etong may apelyidong MARCOS.

Dahil hangga’t yan ang apelyidong binibitbit niya, kahit anong kabutihan, gumawa ka man ng tama, palagi pa ring mali sa  mata ng mga kumokontra.

It’ll be very hard for somebody trying to prove himself worthy, trying to be honest trying to play it fair, yet still being judged, yet still wrong. Everything that you do is wrong, there’s nothing right.

The only right thing that you can do is get the f out of the contest.

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with