^

PSN Opinyon

P2.8 bilyong kapalit ng gambling addiction?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dambuhalang halagang P2.8 bilyon ang kikitain ng PAG­COR sa paglilisensiya sa mga on-line gambling. Ngunit dapat bang kunsintihin at payagan ng pamahalaan ang sugal?

Kamakailan, ipinasa ng House Committee on Ways and Means ang House Bill No. 10204, na magbigay ng 25-taon prangkisa sa Visayas Cockers Club, Inc. para magtayo ng mga off-site betting stations. Magiging panga­lawang lisensiyadong e-sabong operator na ang Visayas Cocker na mayroong 25-taong prangkisa.

Sa ganang akin, hindi porke’t sinasabing nasa kultura na ng mga Pilipino ang pagsusugal, dapat nang kunsin­tihin ito ng gobyerno. Ngunit imbes na tutulan  ang paglipana ng electronic gambling,  isinusulong pa ito ng PAGCOR dahil sa dambuhalang halagang kikitain.

Mahigpit na tumutol sa Bill ang mga kilalang Kristiyanong Mambabatas tulad nina CIBAC Partylist Rep. Eddie Villanueva, Manila 6th District Rep. Benny Abante at si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Ani Cayetano, aanhin mo ang P2.8-B kung magiging­ sugapa ang ating mga kababayan sa e-gambling? Dag­dag­ niya na “Ito ay mistulang pandemya kaya dapat mag-ingat ang mga tao.” Marami na ang nawasak na pamilya dahil ang ama o ina ng tahanan ay naging sugapa sa sugal.

Isa pa, dahil walang regulasyon ang e-sabong kahit­ mga menor-de-edad ay puwedeng maka-access nito sa kani­lang gadgets. Kahit sinong ibig magsugal on-line ay ma­aaring kumunekta. Nakakabisyo ang sugal. Kapag pina­tikim ka ng panalong malaki, hindi ka na hihinto hang­­gang mamu­lubi ka.

At least, sa mga casino ay bawal makapasok ang mga kawani ng gobyerno at menor-de-edad, pero puwedeng-puwede ang lahat sa e-gambling basta’t marunong sa computer. Payo ni Cayetano sa publiko, sa pagpili ng kandidato sa pagkapangulo ay piliin ‘yung may matibay na paninindigan laban sa lahat ng uri ng on-line gambling.

HOUSE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with