_ngayon
^

PSN Opinyon

Makipagtulungan ka! ‘Wag mo ‘kong tatarayan!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Kapag ikaw ay isang Public Servant, lalo na’t ika’y nila­lapitan upang hingian ng tulong, bawal ang magaspang na ugali. Bukod sa may sinumpaan kang tungkulin para sa gobyerno’t publiko, pera ng taumbayan ang pinampapasahod sa bawat kawani ng pamahalaan.

Itong pinuno ng City Social Welfare Department ng Santiago City, Isabela, tila uma-attitude. Sa unang tawag pa lang ng BITAG staff upang hingin ang assistance ng kanyang tanggapan, agad kaming tinarayan. Aniya, bakit ipina-TULFO pa at hindi na lang dumiretso sa kanila. Hindi na raw kailangan pang ipa-media ang kasong ganito.

Ang problemang inilalapit ng BITAG noong mga oras na ‘yun ay ang panggigipit at pananakot ng amo sa kanyang 15-anyos na carwash boy.

Ms. Eva Cubacub, lumapit ang BITAG sa iyong tanggapan para humingi ng assistance na maasistehan ang menor-de-edad na biktima. Trabaho n’yo sa CSWD na pro­tektahan ang karapatan ng mga kabataan. Pero imbes na kami’y kausapin mo nang maayos at makipagtulungan, sinupladahan mo ang mga tao ko. Ayan tuloy, sinupladuhan din kita sa ere dahil sa ugaling pinakita mo.

Simple lang naman, either you will work with us or you are against us. Paano na lang kaya kung simple at ibang tao ang lumapit sa inyong opisina, sana naman hindi ganyan ang trato n’yo sa kanila.

Kung ang Department of Social Welfare and Deve­lopment national office nga, bukas ang kanilang mga kamay na makipagtulungan sa mga public service program na tulad ng BITAG. Lagi silang handang tumulong.

Anong meron sa’yo at sa iyong tanggapan para magtaray ka? Paalala Mam, hindi kami taong gobyerno sa BITAG, libre ang aming public service. Ikaw, taong gobyerno ka, pinasasahod ka ng pamahalaan mula sa buwis ng taumbayan kaya dapat magserbisyo ng tapat at tama.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with