_ngayon
^

PSN Opinyon

Kasalanan daw ng publiko kung bakit ‘pink’ ang kulay nila

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Sa kasalukuyan, ang kampo ni Vice President Leni Ro­bredo ay nasa ‘‘’damage control-damage repair’’ mode. May kinalaman ito sa paggamit ng kulay pink bilang kanilang political color.

Matatandaan noong Oktubre, isang doktor ang nag­hayag ng kanyang opinion hinggil sa paggamit ng pink ribbon sa pangangampanya.

Ani Dr. Jerome Basang sa kanyang facebook post noong October 7, 2021: “The Pink Ribbon has been the international symbol for Breast Cancer Awareness. To use it all of a sudden as a political symbol for an ambition to grab the highest position in the land is an insult and disrespect to the women (and some men) who suffered, battled against and courageously fought against breast breast cancer.”

Hindi ito ibinalita ng mga mainstream media. Ang siste, binashed pa si Doc dahil sa post niyang ito. Si Doc Basang ay dating facilitator ng CANSSA, isang cancer survivors support group. Ang kanya ring ina ay cancer survivor.

Ngayon, nagsalita si Sen. Kiko Pangilinan. Handa raw ang kanyang kampo na umupo at makipag-usap sa mga taong nasaktan o nasagasaan sa paggamit ng kulay pink at pink ribbon. Take note, ang sabi ni Kiko, “Hindi kami ang namili nu’ng pink. Tao ang naglabas nu’ng pink. In fact, tao ang kumuha ng kulay, sila ang naglabas nito.”

Sa kanyang paliwanag, kulang na lang ipagdikdikan niyang kasalanan ito ng publiko. Publiko ang pumili ng kulay para sa kanilang partido so sisihin dapat ang publiko, hindi silang mga pulitiko.

Ganito ba ang prinsipyo ng isang pulitikong tatakbo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa Pinas? Isisisi ang kanilang mga pinaggagawa sa mga tao?  Hindi ba nakakahiya ito. Parang bagang partido ka, pero hindi ka nag-iisip. Kung ano ang sabihin ng iba, sunod ka na lang. Hindi mo na pag-aaralan kung bakit, para saan, ano ang ibig sabihin, ano ang dahilan o kahalagahan.

Paano na lang kung sabihin ng mga tao, kulay tae ang gamitin n’yo dahil ito ang napili nila para sa partido n’yo ni VP Leni? Lumalabas tuloy na parang mga uto-uto lang kayo. Natatawa ako, dahil sa paliwanag ni Kiko hindi nila kasalanan kung nagamit nila sa pulitika ang international color ng Breast Cancer Awareness na pink o kalimbahin.

Parang ganito ang logic niyan, kung meron man kayong reklamo laban sa amin dahil sa paggamit ng kulay pink, hindi kami ang dapat sisihin kundi ang taumbayan. Lol!

LENI RO­BREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with