^

PSN Opinyon

Magandang simula

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang desilting at paghuhukay ng makapal na basura sa Parañaque River. Ang nasabing ilog ang isa sa mga ilog na nagdadala ng tubig sa Manila Bay. Nakilala na itong “garbage island” dahil sa kapal ng lupa at basura na tinayuan ng tirahan ng ilang mangi­ngisda.

Puwede na sigurong lakaran ang kapal ng basura sa lugar na ito. Mabuti at sinimulan na ang paglinis. Pero marami pang mga ilog at estero ang dapat linisin ng MMDA o kung sino pa ang nais tumulong. Ang pagbara ng mga estero na nagdadala ng tubig sa mga ilog ang isang sanhi ng pagbaha ng Metro Manila kapag malakas ang ulan.

Pinapanood ng kapatid ko ang YouTube video ni Mark Rober. Ito ang YouTube link This Robot Eats Trash #TeamSeas. Ipinakita niya ang isang makina na nagka­kalap ng basura sa ilog o dagat at kinokolekta sa lalagyan ng basura. Tuluy-tuloy ang operasyon ng makina.

Sa Dominican Republic ipinakita ang problema ng basura sa baybay at sa karagatan mismo. Ipinakita na ang ilog ang pinagmumulan ng mga basura, at dapat mag­karoon ng pagharang para hindi na umabot sa karagatan. Napakaganda ng kanilang proyekto kung mapapanood ninyo ang video.

Maganda sana kung may ganyang makina sa bansa. Napakaraming estero at ilog ang makikinabang. Malaking problema ang basura sa mga ilog at karagatan. Noong araw at malinis pa ang Pasig River, pinagmumulan ito ng kabuhayan ng marami. Ngayon, kailangang tiisin o masanay ka sa amoy ng ilog. Sa tingin ko wala na ring nangi­ngisda sa Pasig River.

Ang Pilipinas ay pinaliligiran ng karagatan kung saan maraming estero at ilog ang nagdadala ng tubig. Mahalaga na malinis ang mga estero at ilog na iyan. Hindi ito dapat ginagawang basurahan. Kung seryoso ang gobyerno na linisin o pagandahin ang lungsod, dapat mga estero at ilog ang ginastusan at hindi ang dolomite beach na iyan sa Manila Bay.

Sigurado ako na kapag may malakas na bagyo, mapupuno ng basura ang white beach na iyan kung saan aayusin na naman para maging maputi muli. Magandang simula ang paglinis ng Para?aque River. Pero hindi dapat kaligtaan ang iba pang ilog at estero na kailangang linisin. Walang katapusang problema rin kung hindi matutukoy ang pinagmumulan ng basura, ang mga tao. Kung puwede lang sana madala sa bansa ang makinang mistulang kumakain ng basura sa karagatan.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with