_ngayon
^

PSN Opinyon

Alert Level 2

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TILA nakawala sa hawla. Ito ang eksena sa unang araw ng Alert Level 2 sa NCR. Ayon sa PNP, nakatala sila ng 9,461 na lumabag sa quarantine. Hindi naman sinabi kung ano ang mga paglalabag na iyan pero kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga tao partikular sa mga malls. Naging matindi rin ang trapik sa ilang lugar. Mga menor-de-edad na hindi pa rin pinapayagang lumabas ang mga nasita rin.

Ayon sa OCTA Research, bumalik na ang sitwasyon bago sumipa ang mga kaso ng Delta variant sa NCR at ilang lugar sa bansa. Dagdag pa nila, tila bumalik na nga ang buong bansa sa sitwasyon noong Marso nitong taon. Ito ay marahil sa rami ng nabakunahan na sa bansa. Ayon sa website ng DOH, higit 29 na milyon ang kumpleto na ang bakuna habang higit 34 na milyon ang nakatanggap na ng unang bakuna. At dito makikita na bagama’t marami na nga ang kumpleto ang bakuna, malayo pa ito sa 40 mil­yong target ng DOH.

Bakuna pa rin talaga ang sagot sa pandemyang ito. Kung mapapabilis lang sana ang pagbigay ng bakuna sa marami, mas maganda ang magiging sitwasyon ng bansa. May mga nangangamba nga na sa pagluwag ng NCR, kung hindi mag-iingat ang tao at iisiping wala na ang CO­VID, baka sumipa na naman ang mga kaso. Sa UK, kung saan lumuwag na rin dahil sa mababang bilang ng mga kaso noon, nakararanas sila ngayon ng pagsipa ng mga kaso. Sana ay hindi ito mangyari sa atin at masayang lang ang magandang sitwasyon.  

 Pero papalapit na nga ang Pasko. Pinayagan na nga ng MMDA ang extended mall hours simula Nobyembre 15. Sahod pa iyon kaya nakakita ko na ang pagkakasabik ng mga tao na makapag-shopping muli kahit papano. Kahit Alert Level 2 na tayo, ganun pa rin dapat ang pag-iingat. Face mask, face shield kung kinakailangan sa patutunguhan at madalas na paglinis ng mga kamay.

Kung maiiwasan pa rin ang kumain sa loob ng kainan, mag take-out na lang o kaya kumain sa labas kung may probisyon ang kainan. Huwag tumagal sa mga malls. Gawin ang sinadya at umalis na. Sa tingin ko ay hindi pa rin ligtas ang manatili nang matagal sa loob lalo na kung marami nang tao. Alert Level 2 na nga pero dapat Alert level 4 pa rin ang pagkilos at pag-iingat.     

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with