_ngayon
^

PSN Opinyon

Katangahan, kabalbalan, kapulpulan sa namaril na kagawad sa Laguna (Part 1)

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ANG isang public servant, nahalal man o itinalaga ay may malaking responsibilidad sa lipunan lalo na sa komunidad. Maging halimbawa ng mabuting pag-uugali, taglay ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan upang tularan ng taumbayan.

Subalit paano kapag ang isang lingkod-bayan lalo na kung pulitiko ay promotor ng gulo’t sigalot sa komunidad­?  Pwes, wala kang karapatang humawak ng isang pam­pu­b­li­kong opisina at tumanggap ng sahod mula sa kaban ng bayan.

Tulad nitong barangay “kagawad” sa Calauan, Laguna, itinurong suspek ng pamamaril sa kanyang barangay. Mis­mong mga naghihingalong biktima at mga saksi ang posi­tibong nagturo kay Kagawad.

May video pang ibinigay sa BITAG habang iniimbestigahan ng mga Calauan Police ang mga biktima habang patungong ospital. Ilang ulit binanggit ang pangalan ng Kagawad na suspek.

Eto ang siste ng mga hijo de kutsintang lespu, bagama’t inaresto ng lokal na pulisya ang suspek, pinalaya naman ito kaagad at ibinalik sa barangay. Nawala ang saysay ng tinatawag na hot pursuit o in flagrante.

Ang resulta, malaya hanggang ngayon ang kagawad. Pagala-gala pa sa komunidad na parang walang ginawang krimen at ang nakakabahala, may pagbabanta umano sa pamilya ng biktimang kanyang binaril.

Ayon sa ina ng biktima, “bad trip” ang kagawad na ito sa kanilang mga manggagawang kopra na nagmula sa Visayas region. Kumbaga, may galit si Kagawad sa mga Bisaya.

Kundi pa pina-BITAG, hindi malalantad ang tila kamangmangan at katamaran ng punong barangay at ng lokal na pulisya. Ano bang kinakatakot ng mga hinayupak na ‘to kay Kagawad?

Hanggang ngayon, ang mga biktima ay nasa ospital pa rin na lumalaban para sa kanilang buhay at sa kanyang pamilya. Ang hustisya na dapat nakuha na niya, pinakawalan pa ng walang pakundangan. 

Ang chief of police ng Calauan, nakiusap na huwag ko raw siyang banatan tungkol sa isyu. Eh kundi ba naman pulpol, pinakawalan daw si Kagawad dahil “hearsay” lang daw ito bilang suspek. Susmaryosep! 

Abangan ang ikalawang bahagi. Natuklasan ng BITAG kung sino ang padrino ng namaril na kagawad.

BARIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with