^

PSN Opinyon

Salain lahat

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY bagong patakaran ang LTO. Simula noong Oktubre 28, lahat ng nais mag-renew ng kanilang driver’s lisence ay kailangang dumaan ng Comprehensive Driver’s Education (CDE) para makatanggap ng CDE certificate. Sa madaling­ salita, seminar muna lahat bago renewal. May website ang LTO kung saan makukuha ang mga materyales para sa se­minar. Wala pang abiso kung paano ang sistema ng bagong patakarang ito. May kailangan bang ipasang eksaminasyon bago maibigay ang CDE certificate, o seminar lang?

Sang ayon ako na dapat lahat dumaan ng seminar at may eksaminasyon ang lahat. Kaya lang parang nakikita ko na kasi na isa na naman itong paraan para makapagbulsa ang ilang mga masasamang damo sa LTO. Baka abutan na lang ng pera at pasado na kaagad. Mga mahihirap hindi makakapag-abot ng pera para makapasa. Pero maraming drayber, partikular mga nagmamaneho ng mga pampublikong sasakyan at motorsiklo ang kailangang mag-seminar.

Makikita sa dami ng mga dashcam videos na marami ang hindi alam o walang pakialam sa batas-trapiko. Marami kahit sentido-komon, wala. Mga humihinto kahit saan, mga sumisingit na motorsiklo kahit saan, mga tricycle na hindi naman sumusunod sa ilaw, sumasalubong, mga hindi alam ang ibig sabihin ng yellow box o ang bike lane, marami pa. Ka­ilangang salain na ang mga drayber na iyan. Bumabalik na nga ang trapik dahil unti-unti na ang pagtungo sa norma­lidad.

May insentibo naman ang LTO para sa mga hindi nasita ng traffic violation. Sampung taon na ang bisa ng lisensiya kung wala. Kung meron, limang taon lang ang bisa. Sigu­rado ako marami ang nasita na hindi nabigyan ng tiket kasi inareglo na lang. Ganun talaga. Dapat ding salain ang mga nangongotong na traffic enforcer na hindi binibigyan ng tiket ang mga nahuhuli. Magaganap lang naman ang korapsyon kung parehong panig ang sangkot, hindi ba?

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with