^

PSN Opinyon

Bakit pro-Ping si Kim Henares

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Lantad ang baraha ni dating BIR Chief Kim Henares na ang choice niya para maging Pangulo ng Pilipinas ay si Sen. Ping Lacson. Hindi pulitiko si Henares kilala sa kanyang talino at kakayahan sa larangan ng pagpapalakad sa pamahalaan. Mahusay ang naging pamumuno niya sa BIR.

Hindi ko sinasabing sumunod tayo sa kanyang opinion pero maaaring pumulot sa kanya ng idea sa pagpili ng tamang kandidato. Si Lacson ay tumatakbo sa bandila ng Partido Reporma.

Ani Henares, ang unang katangian  na hanap niya sa isang Pangulo ng bansa bukod sa kakayahan ay ang pagiging respetado. Aniya, panahon ngayon na karamihan ay nasasangkot sa korapsyon at eskandalo, sino na lang ba ang natitirang karespe-respeto? Para kay Henares, wala nang iba kundi si Ping Lacson.

Sa kanyang Facebook post, ito ang sinabi ng ex-BIR Chief: “We need someone who can hit the ground running, who has a clear vision on what he/she wants to do, and has a clear plan on how to go about achieving this, and who can instill discipline in the bureaucracy (that has run wild).”

Nakita raw agad ni Kim ang kongkretong plano ni Ping. Isang malinaw na plano sa pagpapalakad ng pamahalaan. Iyan ang dahilan kung bakit sinusuportahan niya si Lacson.

Maaaring si Kim ay impluwensiyado rin ni yumaong Presidente Noynoy Aquino. Alam nang marami na malapit si Ping kay Noynoy  at lubos at ganap ang tiwala niya rito.

Sa ngayon, wala pang campaign period ay nakikita na natin ang karakter ng bawat kandidato. May mga naninira nang personal habang ang iba ay tumatalakay lamang sa mga isyu.  Marapat na maging matalino ang bawat isa sa atin sa pagpili ng tamang mamumuno sa ating bansa.

vuukle comment

BIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with