_ngayon
^

PSN Opinyon

Walang katotohanang salaysay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Lumabas na ang ulat ng DOJ hinggil sa 52 kaso na unang inimbestigahan sa madugong kampanya ng PNP kontra ilegal na droga mula nang maupo si President Duterte­ noong 2016. Si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang arkitekto ng Oplan Tokhang na nagresulta sa libu-libong napatay dahil lahat ay nanlaban daw. Hindi na ako nagulat sa resulta ng imbestigasyon ng DOJ.

Sa 52 kaso, isa lang ang nasugatan, ang iba pinatay. Umabot sa 32 ang hindi ginawan ng mga pulis ng paraffin test o para malaman kung nagpaputok ng baril. Maraming dokumento ang nawala na lang tulad ng ballistic reports at otopsiya. May 11 kaso na negatibo sa paraffin ang suspek. Ang iba napakaraming tama. Tila siniguradong patay.

May kaso pa ng Kastila na pinatay ng mga pulis dahil bumunot daw ng baril mula sa kanyang bag pero lumabas na walang dalang bag si Diego Lafuente batay sa mga litrato sa kanya. Binantayan nga ng Spanish Embassy ang kasong ito. Nakakahiya.

Eto naman ang masaklap. Ganito nga ang resulta ng imbestigasyon, pero wala sa 150 pulis na sangkot sa mga kasong nabanggit ang sinibak sa PNP. Dalawa lang ang kakasuhang kriminal sa ngayon. Dapat mas marami pa. Ang karamihan suspendido lamang. Nasaan ang hustisya?

Eto na nga at ganito ang resulta ng imbestigasyon na kalokohan ang sinasabing “nanlaban ang mga suspek kaya pinatay”, pero mukhang protektado pa rin ang mga pulis. Lumalabas na pumatay, nagsinungaling para mapangiti lang ang kanilang taga-suporta?

Tandaan na libu-libo pa ang napatay ng PNP kung saan “nanlaban” daw. Ang opisyal na bilang ay higit 6,000 pero marami ang nagsasabi mas marami pa riyan. Ito ni wala pang 100 ang inimbestigahan. Gaano katagal aabutin ang DOJ para imbestigahan lahat iyan? At ang masama pa, ilang linggo na lang at magreretiro na si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na sa totoo lang, maraming nagawa para linisin ang pulisya. Magiging bukas rin kaya gaya ni Eleazar ang susunod na PNP chief sa pag-imbestiga ng mga kaso? O uupuan at hindi bibigyang halaga?

DOJ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with