^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang hindi bakunado hindi susuweldo!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ang hindi bakunado hindi susuweldo!

Hindi makatao ang ginagawa ng ilang establisim­yento sa kanilang mga manggagawa na hindi pinasusuweldo hangga’t hindi bakunado ang mga ito. Nasaan ang konsensiya ng mga employer na ito? Natitiis nilang huwag kumain ang empleyado at pamilya nito? Nagtrabaho sa loob ng 15 araw tapos hindi pasusuwelduhin dahil hindi bakunado.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines­ (TUCP), may mga commercial establishments na hino-hold ang suweldo ng kanilang mga empleyado na hindi pa bakunado. Ayon pa sa report, kapag nakapagpakita na umano ng katibayan sa superbisor ang empleyado na sila ay fully vaccinated na saka lamang ire-release ang kanilang suweldo. Kung walang maipakitang katibayan, sorry na lang dahil walang suweldong matatanggap.

Sinabi pa ng TUCP sa report na ang mga emple­yadong nagrereklamo sa ginagawa ng kanilang employer ay pinag-iinitan at ang iba ay tini-terminate sa kanilang trabaho. Kaya marami umano sa mga empleyado ang natatakot magreklamo.

Sabi ni TUCP president Raymund Mendoza, ang ginagawa ng ilang establisimyento ay tahasang diskriminasyon at pangha-harass sa mga kawawang manggagawa. Hindi aniya ito makatarungan. Ayon pa kay Mendoza, labag sa batas na i-withhold ang suweldo ng manggagawa dahil lamang hindi pa bakunado. Hindi lamang ito paglabag sa batas ng paggawa kundi paglabag din sa karapatang pantao. May parusang pagkabilanggo ang lalabag sa batas.

Kaawa-awa ang mga manggagawang pagkaka­itan ng suweldo dahil lamang hindi sila bakunado. Pati ang kanilang pamilya ay masasakripisyo. Walang puso ang mga may-ari ng kompanya na nagpapatupad ng ganitong sistema. Sa halip na tulungan nila ang mga empleyado na mabakunahan, ang suweldo ng mga ito ang iipitin. Hindi makatao ang gawaing ito.

Nararapat umaksiyon si Labor Secretary Sil­vestre Bello III. Pakilusin niya ang mga kanyang mga tauhan para malantad ang mga employer na nagho-hold ng suweldo. Mag-inspeksiyon ang mga ito sa establi­simyento. Dapat namang lumantad at magkaisa ang mga manggagawa para ireklamo ang kanilang employer na nagho-hold ng kanilang suweldo. Kaila­ngang maparusahan ang mga “ganid” na employer.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with