^

PSN Opinyon

Oposisyon, makaaasa sa boto ng kabataan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NATURAL sa kabataan humangad ng pagbabago. Tinatangkilik nila ang mga bago: teknolohiya, kaisipan, pamamaraan – pati mga lider sa pulitika. Nais nila palitan ang luma. Batid nila na sila ang magmamana ng kinabukasan. Sa gan’ung dahilan makaaasa ang oposisyon sa boto ng kabataan sa Halalan 2022.

Halos 1.5 milyon ang bagong botante. Idagdag pa ang kasing dami na mga unang bumoto nu’ng 2019. Limang porsiyento sila ng 60 milyong dami ng botante. Ganado silang maisakatuparan ang karapatang bumoto. Mas malamang silang boboto kaysa sa matatanda na madaling tamarin dahil sa init, ingay at gulo sa presinto ng botohan. Kung 80% ang aktwal na boboto sa Mayo 2022, batay sa karaniwang voter turnout sa Pilipinas, mas lalaki kaysa 5% sa kanila ang kabataan kumpara sa panggitnang edad at matatanda. Malaking bilang ‘yon sa labanan ng maraming kandidato para sa anumang posisyon, pambansa o panlokal.

Hindi lang sa Pilipinas humahangad ng bagong pamunuan ang kabataan. Mga bagong botante ang nagdala sa tagumpay kay US President Joe Biden nu’ng 2020, anang Pew Research. Mga kabataan din ang inaasahang boto ng oposisyon sa Britain, Canada, France, Australia, Malaysia, Korea, Taiwan, at Japan – ilan lang sa mga nababanggit sa mga pagsusuri.

Maaring pumulot ang oposisyon sa Pilipinas mula sa tagumpay ni Biden. Walang humpay ang paghikayat nila sa kabataan na ayusin ang mga schedules para makaboto sa Araw ng Halalan. Tinawagan sila sa bahay o pinadalhan ng text kung nasa paaralan para abisuhan kung saan sila pinaka-madaling makakapaghulog ng balota.

Pinaka-mahalaga na maipaliwanag ng oposisyon kung ano ang magaganansiya ng kabataan at bayan sa pagpapalit ng pamunuan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with