^

PSN Opinyon

Madaldal kasi (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SA kanyang sagot, inamin naman ni Atty. Makaso ang mga nakalathala sa Facebook post niya at ang pinadala niyang link sa anak ni Ricardo na si Jimmy. Pero itinanggi niya ang panghihiya kay Ricardo at ipinipilit na isa lang siyang hamak na tagapagsalita o spokesperson para sa kliyente niya na si Rica. Hindi raw niya sinisiraan ang reputasyon ni Ricardo Valdez sa Facebook at hindi siya dapat parusahan sa “libel” dahil ang sinabi lang niya ay pawang katotohanan tungkol sa petisyon ng pagpapawalang-bisa sa kasal nina Ricardo at Rica Valdez.

Pero napatunayan ng IBP na nilabag ni Atty. Makaso ang patakaran tungkol sa pagpapanatili sa sikreto sa mga pagdinig sa Family Court. Ang rekomendasyon ng IBP ay ang suspendihin siya sa loob ng isang taon. Kahit ano pa raw ang palusot ni Atty. Makaso na tumatayo lang siyang kinatawan o spokesperson ng kanyang kliyente o ang karapatan niya sa freedom of expression bilang isang journalist blogger ay nagkamali pa rin daw ang abogado at nilabag ang CPR.    

 Kinatigan ng SC ang IBP at sinabing dapat managot sa kasong administratibo si Atty. Makaso dahil sa mga posts niya at kopya ng petisyon na nasa Facebook account niya. Ayon pa sa SC, hindi puwedeng paghiwalayin ng isang tao ang katauhan niya bilang isang abogado at bilang isang ordinaryong mamamayan. Hindi pa rin mababago ang kanyang tungkulin bilang isang miyembro ng Bar kahit pa kumikilos siya para sa kliyente bilang tagapagsalita nito o dahil ginagamit lang niya ang karapatan sa malayang pamamahayag bilang isang journalist blogger.

Wala raw pag-aalinlangan na nilabag ni Atty. Makaso ang RA 8369, Section 12  – Family Court Act na nagbabawal sa paglalathala ng mga record ng Family Courts. Paglabag din ito ng kanyang tungkulin bilang abogado sa ilalim ng Canon 13, Rule 13.02 CPR na nagbabawal sa paglalabas ng maseselan na impormasyon tungkol sa kaso pati isinangkot pa ang kanyang mabibigat na opinyon sa karakter ni Ricardo at sa mga sirkumstansiyang sangkot.

Idagdag pa na maraming masasakit na salita tulad ng halimbawa ng criminal, babaero, arogante, manloloko at iba pa ang  naging sentro ng post na direktang patungkol kay Ricardo kaya nilabag din niya ang Rule 801 ng CPR na nagbabawal sa maaanghang at mapang-abusong salita na hindi magandang kilos ng isang abogado. Bagama’t mabigat ang mga binibitawan na salita ng isang abogado ay dapat pa rin na timbangin niyang mabuti kung nasa ayos pa ang kanyang sinasabi o hindi na maganda at nakakabastos na sa iba. Dapat na laging tapat at magalang ang isang abogado sa pagkamit ng tagumpay para sa kanyang kliyente (Velasco vs. Causing, A. C. 12883, March 2, 2021).

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with