_ngayon
^

PSN Opinyon

Batang mama at aleng presidential candidate, may ipinag-iba ba?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Sinubukan ng isang batang presidential candidate na magsalita laban sa isa pang presidential candidate.

Siguro nadala siya sa kanyang damdamin kaya nawalan ng preno. Ayan tuloy, nag-boomerang sa kanya nung sinabi niya na “Marcos na naman?”

Sa umpisa, lalo na noong mga panahong nililigawan pa siya ng ale na siya’y bumaba sa pagka-bise presidente, okay na sana siya sa mga dilawan. Marami ang humanga at nagustuhan ang kanyang sinabi na “ako’y busabos pero ako’y di bastos.”

Pero matapos niyang magsalita kamakailan, nagbago ang ihip ng hangin. Ngayon, nabastusan na sa kanya ang mga dating supporter niya na “yellowtards.”

Kung tutuusin, wala naman akong nakitang masama o kakaiba sa sinabi ng batang mama na kumakandidato. Totoo naman ang kanyang sinabi. Ayun nga lang, nalagasan yata ang bilang ng mga susuporta sa kanya dahil sa mga sinabi niya laban sa ale.

Sa kabilang banda, may taong binabanatan, kinukuyog, inuupakan, pinahihiya, iniinsulto at tinutuligsa araw-araw ng partido at supporters ng ale. Walang puknat ang kampanya sa social media with matching hashtags pa kada post nila. May artista, may media, may trolls at kapwa puli­tiko rin.

Kaso mo, ‘yung taong pinagtutulungang gibain, dedma. Wa epek, tahimik lang. Para kasi sa kanya, plataporma, trabaho lang.

Tanong, may ipinagkaiba ba ang ginawa ng batang mama sa ale? Hindi ba’t parehas lang naman – estilong panggigiba at paninira.

Siguro panahon na, dapat maintindihan ng mga kumu­kontra at pinktards na underdog sila. Kumbaga sa peli­kula, imbes na bida ay sila ang lumalabas na kontrabida.

PRESIDENTIAL CANDIDATE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with