^

PSN Opinyon

China makikialam sa halalan, babala ng mga eksperto (2)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PLANO ni President Xi Jinping na agawin ang Taiwan sa termino niya. Tinuturing ng Chinese Communist Party na probinsiya lang nila ang islang-bansa. Kritikal sa balaking ito na makontrol ng CCP ang Malacañang at Kongreso sa Halalan 2022.

Makitid na Luzon Strait lang ang naghihiwalay sa Taiwan at Batanes. Sa paglusob ng China sa Taiwan, pipigilan nito na magamit ng US Navy at Air Force ang mga base militar sa Pilipinas. Samantala, makikiusap ang America na gamitin ang Clark Airport, Subic Bay at Poro Point para ipagtanggol ang kaalyadong Taiwan. May Mutual Defense Treaty, Enhanced Defense Cooperation Agreement at Visiting Forces Agreement ang Pilipinas at America­. Hahadlangan ng mga tuta ng China sa gobyerno ng Pilipinas ang mga kasunduang ito, para hindi magamit ang mga base militar. Magtatagumpay ang China.

Kapag may mga alipores sa Pilipinas, China ang makakagamit ng mga base militar. Sa pamamagitan ng mga ito, haharangin ng China ang paglabas-pasok ng mga ibang bansa sa Pacific Ocean at South China Sea.

Noon pang 2020 nagbabala si Retired Rear Admiral Rommel Jude Ong na manghihimasok ang CCP sa Halalan 2022. Dapat maging mapagmatyag ang mga Pilipino, anang dating Navy vice commander at intelligence chief. Kung hindi, ang Halalan 2022 ay magiging tunggalian ng China at Pilipinas.

Matagal na rin nagbabala si dating Foreign Affairs under­secretary Laura del Rosario. Mahigit isang Manchurian candidate ang ilalaban ng CCP bilang pangulo. Maging­ matatag, aniya, dahil sinasamantala ng China ang anu­mang kahinaan.

Dinurog ng online trolls ang reputasyon ni Vice president Leni Robredo. Daan-daang fake accounts ang isinara ng Facebook -- mga tumatalakay ng politika sa Pilipinas, pero naka base sa Ghuangzhou, Xiamen at Shanghai. CCP ang nagpopondo ng troll army sa Pilipinas.

vuukle comment

CCP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with