^

PSN Opinyon

Matinding depensa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Hinamon ni President Duterte ang Senado na magreklamo sa Korte Suprema hinggil sa kanyang utos na pagbawalan ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na dumalo sa kasalukuyang imbestigasyon sa Pharmally Pharmaceuticals. Inutusan pa niya ang militar at pulis na huwag arestuhin ang sinumang ma-”cite for contempt” sa kanyang Gabinete, at binantaan pa na ang mga senador ang ipaaaresto niya.

Kung hindi pa ito mga kilos ng isang lasing na lasing sa kapangyarihan, ewan ko kung ano pa. Ang ehekutibo at lehislatura ay “co-equal branches of government”. Ibig sabihin, walang mas nakaaangat sa isa, dahil iba rin naman ang kanilang mga tungkulin sa gobyerno. Sa mga kilos ni Duterte, malinaw na wala siyang respeto sa Senado na gampanan ang kanilang tungkulin na mag-imbestiga ng mga anomalya. Nalalapit na nga sa isang “constitutional crisis” ang bansa dahil dito.

Nais naman mamagitan daw ni DOJ Sec. Menardo Guevarra sa alitang ito ng Palasyo at Senado. Pero agad nagpahayag si Guevarra na dapat may mga “adjustment” ang dalawang panig. Wala naman binanggit kung ano ang mga adjustment na iyan.

Noong 2005, naglabas ng kaparehong utos si Gloria Arroyo noong siya ang presidente. Hinamon ng mga senador ang utos sa Korte Suprema at nanalo. Dapat daw dumalo ang mga miyembro ng Gabinete. Kaya ano ang pinagkaiba rito? Mas hawak ng presidente ang pulis at militar kaya walang takot sa mga utos at pahayag sang-ayon sa kagustuhan niya?

vuukle comment

PHARMALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with