_ngayon
^

PSN Opinyon

Lumang tugtugin?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA na noong Biyernes ang pag-file ng certi­ficate of candidacy (COC) ng mga nais tumakbo sa da­rating na eleksiyon. May mga nauna kaagad na magsu­mite ng kanilang COC tulad ni Sen. Manny Pacquiao na tatakbong presidente. Ang kanyang kandidato para bise presidente ay si Lito Atienza. Si Pacquiao pa lang ang opisyal na tatakbong presidente. Hinihintay pa ang ibang nag-anunsyo tulad nila Sen. Ping Lacson at Manila Mayor Isko Moreno.

Ang medyo ikinagulat nang marami ay ang pag-anun­syo ni President Duterte na magreretiro na mula sa puli­tika at si Sen. Bong Go ang kandidatong tatakbong bise presidente ng PDP-Laban. Pero narinig na natin ang lumang tugtugin na ito.

Noong 2015, nag-anunsyo rin siya na magreretiro na mula sa pulitika. Pero nakita naman natin kung ano ang nang­yari. Pinalitan niya ang bumitiw na si Martin Diño sa pag­­ka-presidente matapos makita na mataas siya sa survey na isinasagawa noon. Ang huling araw na itinakda ng Co­melec para magpalit ng kandidato ngayon ay Nob­yembre 15.

Kaya lahat ay binabantayan ang magiging kilos ni Davao City Mayor Sara Duterte. Nag-file na nga siya ng COC para tumakbong mayor muli ng Davao. Pero nagpa­hayag din siya na hindi siya tatakbong pagka-presidente kung tatakbo ang kanyang ama para bise presidente dahil­ hindi raw magandang tingnan ang dalawang Duterte na tuma­takbo para sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Pero sa pag-atras na ni President Duterte, bukas na bukas na ang pinto para sa kanya. Nagpahayag na nga si Duterte na si Sara ang tatakbong presidente ka-tandem ni Bong Go.   

Sa totoo lang, marami ang nakitang ganito ang mang­yayari. May higit isang buwan pa para mangyari iyan. Wala pang opisyal na kandidato ang PDP-Laban para sa posisyon ng presidente, lalo na’t wala pang desisyon ang Comelec kung kaninong paksyon ang opisyal na PDP-Laban kaya bukas nga ang pinto para manumpa si Sara sa PDP-Laban at siya ang tumakbong presidente.

Lahat naman ng tinatawag na oposisyon ay nais tumakbo kaya wala na talaga ang pinaplanong “united oppo­sition” para tapatan ang mga Duterte. Maliban na lang kung may umatras para suportahan ang isang kandidatong malakas, hindi ba? Mangyari kaya?  

ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with