^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagmamalupit sa OFWs, patuloy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Pagmamalupit sa OFWs, patuloy

Patuloy pa rin ang pagmamalupit at pagmamaltrato sa overseas Filipino workers (OFWs). Ma­rami pa rin ang dumaranas nang hindi makataong pagtrato mula sa kanilang employer. Marami ang nagrereklamo na hindi sila pinasusuweldo at ang matindi ay ang pisikal na pang-aabuso. Marami ang nakakatikim ng pananakit mula sa kanilang amo. Mayroong OFW na sinasampal, sinisipa at pinaplantsa ang likod. Sobrang pahirap ang inaabot ng OFWs. Mistulang impiyerno ang kanilang buhay sa abusado at malupit na amo.

Halimbawa rito ay ang isang heneral sa Saudi Arabia na hindi pinasusuweldo ang kanyang 16 na tauhang Pinoy. Ayon sa mga Pinoy, mula pa noong 2019, hindi sila pinasusuweldo ng heneral na nakilalang si Ayedh Thawah Al-Jealid. Ang matindi ayon sa mga Pinoy, bukod sa hindi sila pinasusuweldo, nakakaranas pa sila ng pananakit kay Al-Jealid. Grabe raw ang nararanasan nila sa Saudi general. Ayon pa sa mga Pinoy, maimpluwensiya umano ang heneral kaya patuloy sa ginagawang pagmamaltrato sa kanila. Masyado raw malakas sa awtoridad ang heneral kaya hindi natatakot.

Ipinaabot ng mga kawawang Pinoy ang ­pro­blema kay Labor Secretary Silvestre Bello III. Galit na galit si Bello at nakipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Saudi Arabia pero nagmamatigas pa rin daw ang Saudi general na ayaw bayaran ang mga tauhang Pinoy. “Matigas ang lintik na general,’’ galit na sabi ni Bello at nagbanta na ipatitigil niya ang pagpapadala ng OFWs sa Saudi kapag hindi kinastigo ang general. Hihintayin umano ni Bello ang rekomendasyon ng POEA at ikukunsidera na niya ang deployment ban ng workers sa Saudi.

Tama ang balak ni Bello. Ipatigil ang ­pagpapadala ng workers sa Saudi. Dapat maging matigas ang paninindigan sa isyung ito na pinagmamalupitan ang OFWs. Hindi na nga pinasusuweldo ang mga ito ay sinasaktan pa. Sobra na ito. Isagawa ni Bello ang nararapat.

Nararapat din namang maitatag na ang Department of OFWs para may agad na tutulong sa mga workers sa ibang bansa na minamaltrato. Kasama sa campaign promise ni President Duterte ang pagtatatag ng departamento para sa mga OFW pero hanggang ngayon ay wala. Aalis na si Duterte sa 2022 pero ang pangako niya para sa OFWs ay napako. Anyare?

OFWS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with