^

PSN Opinyon

P3 milyong suhol sa rape victim ng konsehal ng Quezon

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nalathala sa Philippine STAR at iba pang major dailies ang pagkakaaresto ng mga elemento ng CIDG kay councilor Arnie Manuel Yulde sa akusasyong rape ng isang 18-anyos na dalaga. Si Yulde ay konsehal ng Lopez, Quezon. Pero the councilor will have his day in court. Dun na lang niya idepensa ang sarili at huwag nang manuhol sa kawawang biktima.

Matapang ang biktima na itinago sa pangalang Wena. Sinabi niya sa isang press conference na isang abogado ni Quezon Province Governor Danilo Suarez ang nag-alok sa kanya ng halagang P3 milyon kapalit ng pag-uurong niya ng demanda sa konsehal. “Hustisya ang kailangan ko, hindi pera,” aniya sa media.

Humarap sa media ang biktima kasama ang kanyang ina at legal counsel na si Atty. Fernando Cayago na kinatawan din ni Prof. De Guzman. Sinabi ni Rosario Tapia­dor,  ina ng biktima, noong Setyembre 20, may pinapuntang abogado at dalawa pang tauhan si Suarez sa dati nilang tirahan sa Pasig City at kinausap sila para a­regluhin na lang ang kaso at upang mapalaya na si Yulde.

Pinapipirma raw si Wena sa isang affidavit of desistance bagay na tinanggihan ng biktima at ina. Tauhan umano ni Suarez ang nagpunta sa bahay nila dahil sila ay sinamahan ni Marie na kumare ni Yulde at ng kinakasama nitong si Cynthia na kapatid niya.

Umapela naman ang biktima kay Suarez at sinabing: “Gusto ko pong umapela at manawagan kay Governor Suarez na huwag niyang pakialaman ang kasong isinampa ko laban kay Councilor Yulde na alam kong protektado niya dahil ang gusto ko, hustisya at hindi  pera.”

Samantala, sinabi naman ni De Guzman na kung totoo ang sinasabing pakikialam ni Suarez ay puwede itong kasuhan ng kriminal at administratibo. Pinag-aaralan na ngayon ng mga abogado niya kung may sapat na basehan upang makasuhan ito sa Ombudsman.

vuukle comment

MANUEL YULDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with