^

PSN Opinyon

PNP-Masbate, humanda kayo kay Gen. Eleazar!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAPAPAMURA ka talaga sa galit sa sumbong na ipina­abot sa aming tanggapan kahapon. Biruin mo, isang pulis sa Masbate namaril ng magsasaka dahil naplaslaytan siya habang nakikipagtalik sa bukid.

Takot na takot na lumapit sa BITAG ang pamilya ng pinatay na ama, isang magsasaka. Kasalukuyan silang nagtatago rito sa Metro Manila dahil sa takot sa lespung suspek.

Noong nakaraang buwan, alas-onse ng gabi, napalabas­ ng bahay ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak na lalaki at isang anak na babae. Kinakain na pala ng mga baka ang kanilang mga pananim na palay na kata­tanim pa lamang. Habang binubugaw ang mga baka, hindi sinasad­yang nailawan ng matanda ang isang puno ng mangga.

Nakita ang pulis na si Cpl. Francisco Rivera, naka-boxer­ shorts kasama ang isang babae. Sa gulat daw nito ay binunot ang baril at pinagbabaril ang biktima at kanyang mga anak. Nagawang makadapa ng mga anak habang ang ang ama nila’y tinamaan sa katawan at binti. Sa pagmamadali ng pulis na umalis ng lugar, naiwan nito ang kanyang holster, motorsiklo at isang pregnancy test.

Ang hinayupak na police station sa Balud, Masbate nag-imbestiga na raw. Nag-file raw ng kaso si Cpl. Rivera dahil naabutan daw niyang ginagahasa ang isang babae ng matandang magsasaka at dalawang anak na lalaki nito.

Mga putok sa buho! Ang pamilya ng biktima hindi inim­­bestigahan o hiningian ng salaysay at pinakinggan­ lamang­ ang lespu nilang inirereklamo. May pinatay, may mga bik­tima, may mga saksi sa sumbong na ito subalit­ nangi­ba­baw ang ginawang pagsampa ng kaso ng inirereklamong­ pulis­.

Habang nandito sa Metro Manila ang mga biktima, nakipag-ugnayan daw sa kanila ang misis ni Cpl. Rivera, galit na galit ito sa malibog na mister. Inaalok ng areglo ang mga nagrereklamo.

Habang sinusulat ang kolum na ito, nainterbyu na ng BITAG ang Philippine National Police-Intelligence Affairs Service (PNP-IAS) sa Camp Crame. Kami mismo ang magdadala sa biktima.

Mga pulis sa Masbate, tandaan n’yo na nagke-cleansing si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Sisiguraduhin naming may mga masisibak sa inyo kapag napatunayang pinagtatakpan n’yo ang kabarong si Rivera.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with