^

PSN Opinyon

Doc Willie malaki ang laban sa VP

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako na malaki ang laban ni Dr. Willie Ong sa kanyang pagkandidato bilang Vice President ni Mayor Isko Moreno sa Presidential race sa darating na taon.

 Sa social media, may ilang nagdududa kung kayang sagupain ni Doc Willie si Presidente Duterte na kumpirmadong tatakbo sa pagka-Vice President. Ngunit si Doc Willie ay napatunayan na ang kakayahan sa public service­. Nagseserbisyo siya at ang kanyang asawang si Doc Liza nang walang bayad sa pamamagitan ng regular na medical mission sa buong bansa.

Dahil dito’y umani na siya ng napakalawak na following. Naniniwala ako na dahil desperado na ang taumbayan sa hindi pa rin mapuksang pandemya, malaki ang bentahe ni Doc Willie sa kanyang mga makakalaban, pati na ang Presidente.

Ang disadvantage ng Presidente ay ang mga nagaganap na anomalya na kinasasangkutan ng mga sarili niyang opisyal na may kinalaman sa iregular na pagbili ng mga personal protective equipment. Sa kabila nito, nakukuha pa ng Presidente na ipagtanggol ang kanyang mga tauhan at tuligsain ang mga senador na nag-aakusa sa kanila. Dahil dito’y bumagsak ng ilang puntos ang satis­faction rating ng Presidente ayon sa isang survey.

At ayon pa rin sa isang survey, 60-porsiyento ng mga Pilipino ay tumututol sa pagtakbo ng Presidente sa pagka-Bise Presidente. Matalino na at marunong magsuri ang ating mga kababayan. Alam nila na sa ilalim ng Konstitusyon, isang anim na taong termino lang ang nakalaan para sa mahahalal na Presidente kaya pinagbabawalang tumakbo para sa second term.

Kaya ang pagtakbo bilang Vice President ay isang tusong taktika para salungatin ang diwa ng provision ng Saligang batas. Kaya kung advantage ang pag-uusapan, lamang na lamang ang ating Doc Willie Ong.

ISKO MORENO

WILLIE ONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with