^

PSN Opinyon

Bakit Pilipino ang sinisisi sa agresyon ng China?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAKIT gan’un ang administrasyong Duterte? Sinisisi nito sina dating Supreme Court justice Antonio Carpio at dating foreign secretary Albert del Rosario sa agresyon ng China sa West Philippine Sea. Minumura nito ang dalawa sa patuloy na pagtuligsa sa pambu-bully sa mga Pilipino. Minamaliit nito ang mga panukala nilang mga solusyon.

Komunistang China ang umagaw sa Panatag Shoal at nagbawal ng mangingisdang Pilipino. Pero kinukutya ng administrasyon sina Carpio at Del Rosario dahil umano pinaatras nila ang Philippine Navy nu’ng girian laban sa maraming Chinese warships nu’ng 2012.

Matagal nang ipinaliwanag ni del Rosario na doble-kara ang Komunistang China. Sa mediation ng America nagkasundo ang dalawang panig na alisin ang mga barko para iwas sa komprontasyon. Pero hindi tumupad sa usapan ang kabila. Sa halip ikinadena ang bukana ng shoal. Mula noon tinataboy ng machinegun at water-cannon ang mga Pilipino mula sa kanilang tradisyunal na pangisdaan.

Tumulong si Carpio na magdemanda sa The Hague Permanent Court of Arbitration. Nanalo ang Pilipinas. Ibinasura ng korte ang “nine-dash line” ng Komunistang China para pasukin ang WPS. Pinasya na niyurakan ang kara­patan ng Pilipinas sa WPS dahil exclusive economic zone ito ng Pilipinas. Pinasya rin na winasak ng Komunistang China ang kalikasan sa pagkonkreto ng pitong bahura ng Pilipinas bilang base militar. Batayan ngayon ang pasya para makasingil ng danyos ang Pilipino at makamit ang hustisya sa tulong ng United Nations.

Patuloy nanlinlang ang Komunistang China. Kunwari pauutangin ang administrasyong Duterte ng $24 bilyon – wala naman. Tapos inagaw ang islang Sandy Cay sa teri­toryong dagat ng Kalayaan, Palawan. Nandarambong pa ng pagkaing dagat sa WPS.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with