^

PSN Opinyon

Babala ni Yorme sa sambayanang Pilipino

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nagbigay ng babala at paalala kamakailan si Manila Mayor Isko Moreno a.k.a Yorme.

Ito ay para sa sambayanang Pilipino sa Pilipinas at saan mang panig ng mundo. Aniya, mangyayari raw ang histo­rical revisionism kapag nanalo at nailuklok sa pagka-pre­si­dente si Bongbong Marcos. 

Si Bongbong nga pala ang kinakatakutan ni Yorme at maging ni Vice President Leni Robredo. 

Habang ‘yung ibang tatakbo sa pagka-presidente, ang kanilang kinukuyog at ginigiba ay ang apelyidong Duterte.   

Babala ni Yorme, kapag nanalo si Bongbong sa pagka-presidente siguradong mababago, maiiba ang kasaysayan. 

Teka lang muna, baka nakakalimutan n’yo Yorme at VP Leni, na ang kapalaran natin ay nakasalalay sa kamay ng mga botante. 

Sila ang magdedesisyon sa kung sino ang iluluklok nilang mga lider ng bansa. Wala ito sa kamay ng mga sumulat ng kasaysayan na inilagay sa aklat, itinuro sa ele­mentarya, haiskul at kolehiyo.

Eto ang masakit na katotohanan na dapat n’yong pag­handaan. Mismong mga botante ang babasura sa kasay­sayang ipinipilit n’yo – kapag naupo si Bongbong sa Mala­cañang bilang presidente.  

Sino nga ba kasi ang sumulat ng mga kasaysayan? Mga nagwagi laban doon sa tinatawag nilang diktador na yumaong Presidente Ferdinand Marcos na naging dahilan ng pagkakaroon ng People Power o The Yellow Revolution. 

Kaya naman para sa kanila, bangungot (nightmare) kapag nangyari ito ang kanilang kinatatakutan – iboto ng mga Pilipino si Bongbong sa pagka-presidente. 

Tulad ni VP Leni na naging adbokasiya at krusada na niya ang paggiba kay Bongbong. Pinagdidiinan, ‘wag big­yan ng pagkakataon o espasyo sa ating isipan o sa ating kinalalagyan si Bongbong.

Dapat daw patuloy na mag-ingay, “ngumakngak” o magwawalwal ang taumbayan laban kay Bongbong. 

 Ang siste, lumalabas at napaghahalata tuloy ang poot, galit, buwisit, inis ni VP Leni sa kanyang mortal na  katunggali.   

Mukhang personalan na ‘ata to ah Madam?

 Ang hubo’t hubad na katotohanan, mga botante, mga Pilipino sa loob at labas ng bansa ang magdedesisyon sa susunod na kapalaran ng ating bansa.

At pag nangyari ito – boom! Para kayong pinagsasampal nang matindi sa mukha.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with