^

PSN Opinyon

Gibaan ng mga pulitiko nagsisimula na

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGSISIMULA na ang pagkawatak-watak ng mga partido ng mga pulitiko. Malinaw na walang forever na kaalyado ang mga pulitiko. Ang mga kapit-tuko sa puwesto ay gagawa ng hakbang upang hindi sila madehado sa 2022 election.

Kanya-kanya na ring gibaan ang mga magkaribal na partido ngayon. Sa puntong iyan diyan ko talaga masasa­bing walang forever sa larangan ng pulitika. May mga pulitiko naman na ginagamit ang puwersa ng kanilang partido upang gibain ang magagandang accomplishment ng mga nakaupong kandidato.

Katulad na lamang sa nangyayari kay Cavite City mayor Bernardo Paredes. Si Paredes ay nanungkulang mayor mula 2001-2010 at 2013-2021. Naging maganda ang pama­malakad ni Paredes sa Cavite City kaya umangat ang pamumuhay ng mamamayan.

Subalit ngayong papalapit na ang 2022 election, ginigiba na ito ng mga mayayaman at maimpluwensiyang pulitiko ng Cavite. Binabaraso na ng mga ambisyosong pulitiko si Paredes upang masira sa mga botante. Ang mga pulitiko ang nasa likod ng kasong isinampa kay Paredes. Halata na ang motibo ay pambabaraso dahil ang kasong isinampa ay naganap pa noong 2017. Sabagay, botante na ang magdedesisyon sa Mayo 2022 eleksyon.

Habang abala na ang mga pulitiko sa gibaan, marami naman sa ating mga kababayan ang naghihikahos sa buhay dahil sa pagbagsak ng ekonomiya. Maraming negosyo ang nagsara matapos magpatupad nang napakahigpit na health protocols at ang resulta, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Pero kailangan nilang kumita dahil kung mana­natili sila sa kanilang mga tahanan ay mamamatay sila sa gutom. Dapat silang gumawa ng paraan para mabuhay.

Kapansin-pansin na marami nang mamamayan ang nais magpabakuna kontra COVID-19. Umaapaw ang mga vaccination site sa dami ng mga gustong magpabakuna. Tama ito sapagkat tanging bakuna lamang ang maaring panlaban sa virus. Sana marami na ang mabakunahan at nang maabot ang herd immunity.

Payo ko naman ngayong malapit na ang election, maging mapanuri ang mamamayan sa mga tatakbo sa puwesto. Mag-analisa. Tingnan kung may programa ang napupusuang kandidato para sa ikauunlad ng bansa. Gets n’yo?

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with