^

PSN Opinyon

Nagsimula na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

AYON sa OCTA Research, pababa na raw ang mga posi­tibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Pero hindi pa rin ito dahilan para maging pabaya. Mataas pa rin ang bilang ng mga nasa ospital. Sana nga at nakakatulong ang mga nabakunahan para mabawasan na ang pagkalat ng COVID.

Pero sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 19 milyon pa lang ang kumpleto ang bakuna habang higit 23 milyon ang nakatanggap ng first dose. Napakalayo sa unang target na 70 milyon at pangalawang target na 40 milyong kumpleto na ang bakuna sa Nob­yembre. Malayo pa talaga para maging kampante.

Bukod naman sa COVID na binabantayan ng mama­mayan, tila nagsimula na ang panahon ng pulitika sa bansa­. Tatlo na ang nagpahayag ng kanilang intensiyong tumakbo para maging presidente ng bansa.

Sa Oktubre 1 pa ang simula ng filing of candidacy kaya hindi pa malalaman ang tunay na bilang ng mga gustong maging presidente. May ilan pa diyan na maaaring sumali sa labanan na sa ngayon ay tahimik pa.

 Ayon kay Professor Edna Co ng University of the Philip­pines sa Pampanga, mas mahihirapan nang magkaroon ng pagkakaisa na suportahan si VP Leni Robredo kung magdesisyong tumakbo para maging presidente dahil nag-anunsiyo na sina Sen. Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno.

Sila ang mga pinagpipilian ng 1Sambayan para magkaroon sana ng isang kandidato para tapatan ang sinumang ilalaban ng administrasyong Duterte. Hindi mapipigilan ang ambisyon ng tao kaya maaari ngang mahirap magkaroon ng united opposition sa ngayon.

 Dagsaan din ang mga naghahabol na magparehistro sa mga Comelec voter registration centers dahil limitado lang bawat araw ang tinatanggap. Sa Setyembre 30 ang huling araw ng registration.

Mabuti naman at marami ang nais bumoto sa darating na election. Baka maraming unang beses boboto kaya exited. Dapat bumoto ng nararapat na kandidato. Mga maghahain ng mga maayos at posibleng solusyon sa bansa, hindi puro pangako lang pero wala ring nangyari nang manalo na.

Kandidato na makikinig sa lahat, hindi maninira, mananakot at mang-iinsulto ng mga pumupuna lamang ng mga anomalya o kwestyonableng kilos ng gobyerno na karapatan naman ng lahat ng mamamayan.

vuukle comment

COVID-19

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with