_ngayon
^

PSN Opinyon

Maging aral sana

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Maging aral sana ito sa mga nagmamay-ari ng baril, lalo na sa mga kapulisan, na hindi laruan at kailanman ay hindi dapat ipagmayabang ang pagkakaroon ng baril,” sabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ito ay matapos mapatay ang isang delivery rider nang aksidenteng pumutok ang baril na ipinagyayabang ng kaibigang pulis na si Cpl. Oliver Ferrer. Walang kuwentang kaibigan!

Hindi ba kasama ang gun safety habang nag-aaral maging pulis? Siguro naman may mga eksaminasyon o testing na kailangang maipasa bago makapagtapos at maging opisyal na pulis. Sa madaling salita, bago maging kabilang sa hanay ng PNP ay marunong na humawak ng baril.

Pero may mga tao na talagang walang karapatang humawak o mabigyan ng pahintulot humawak ng baril. Ilang beses na tayong nakarinig na “aksidenteng” pumutok ang baril ng pulis at may napatay.

Para sa akin hindi aksidente iyan kundi katangahan o kawalan ng pag-iingat. Hindi dapat ipinagyayabang ang baril, tulad ng nangyari sa napatay na delivery rider. Hindi dapat inilalabas nang walang dahilan.

Sa Amerika kung saan laganap ang baril, madalas pinapaalala sa lahat ang “Four Primary Rules of Firearm Safety”. Laging ituro ang baril sa ligtas na direksyon. Laging tratuhin na may bala ang baril. Siguraduhin ang target at ang nasa likod nito.

Huwag ilagay ang daliri sa gatilyo hangga’t handa nang bumaril. Malinaw, hindi ba? Pero tila nawawala na ang mga batas na ito kapag nabigyan na ng baril ang ilang pulis diyan.

Nabanggit ko na may mga walang karapatang umawak ng baril. Mga tulad ni Jonel Nuezca at Hensie Zinampan at ilan pa diyan na walang habas na pumatay sa mga di-armadong sibilyan. Ilan pa kaya ang mga katulad nila?

Sana nga ipatupad ang utos ni Eleazar sa pagsasanay bumaril at ang ligtas na paghawak nito. Maging aral sana sa lahat. Malapit na siyang magretiro kaya sana may kahihinatnan kaagad ang kanyang utos. Lumalabas parang walang katuturan ang itinuro sa ilang pulis habang nasa akademya. Baka iba ang mas iniisip kapag naging pulis na.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with