_ngayon
^

PSN Opinyon

Walang kinalaman?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Namin ni Huang Tzu Yen, presidente ng Pharmally Phar­maceuticals Corp. na humiram sila ng pera kay Michael Yang, dating economic adviser ng Palasyo, para pondohan ang nakuhang kontrata mula sa gobyerno na mag-suplay ng mga face masks at RT-PCR testing kits noong nakaraang taon. Bilyun-bilyong piso ang nakuhang kontrata ng nasabing kumpanya kahit wala palang sapat na kapital. Babayaran daw nila si Yang kapag binayaran sila ng gobyerno. Inamin na naging ambisyoso at sakim sila sa napakalaking kontrata na nakuha.

Taliwas ito sa pahayag ni Yang mula sa kanyang kina­roroonan sa Davao City, saan pa, na wala siyang kinalaman sa kontratang nakuha ng Pharmally sa gobyerno. Pinabulaanan naman nito ni Lincoln Ong, opisyal din ng Pharmally. Si Yang daw ang nagpakilala sa Pharmally sa mga supplier sa China, at nagsilbing guarantor na mababayaran sila ng kompanya, hanggang doon lang daw. Nagpahiram ng pera, pinakilala sa supplier at ginarantiya ang transakyon, walang kinalaman si Yang?

Kaya naglabas ng arrest warrant ang Senado kay Yang at Ong dahil sa kanilang pagsinungaling sa Senado habang nasa ilalim ng panunumpa. Malaki rin ang kaila­ngang ipaliwanag ni Lloyd Christopher Lao, ang dating namuno ng Department of Budget and Management’s Procurement Service (PS-DBM) kung bakit ibinigay sa Pharmally ang malaking kontrata kung wala palang pera at hihiram pa sa iba. Tila minadali ang proseso para ma­ibigay ang kontrata. Parang lumalabas na kahit sino pala, kahit walang kapital ay puwedeng makakuha ng malaking kontrata sa gobyerno. Ang kailangan mo lang ay isang katulad ni Michael Yang.

Lumutang din na may mga arrest warrant si Huang at ang kanyang ama sa Taiwan dahil sa “breach of trust at fraud”. Lahat iyan di man lang inalam ni Lao bago ibinigay ang malaking kontrata? Iyan ang dinidiin ng Senado. Lumalabas na pinaboran nang husto ang lahat ng kilos ni Michael Yang. Napakalakas naman nitong si Yang sa administrasyong ito. Todo-todo pa rin ang pag-depensa ni Pangulong Duterte kay Yang, sa Pharmally at kay Lao.

Binantaan na nga ang mga senador na nagunguna sa imbistigasyon at nagpahayag na puputulin na raw niya ang pakikipag-transaksyon sa Philippine Red Cross kung hindi sila magpapa-audit sa COA. Wala naman daw otoridad ang COA para gawin ito, pero ano pa ba ang bago kay Duterte?

Imbes na pabayaan ang imbistigasyon kung wala naman ginawang pagkakamali ang kanyang mga kaibigan, pagbabanta at pananakot ang ginagawa. Malinaw na paglilihis sa isyu, malinaw na nababahala sa imbestigasyon at siyempre, ayaw na ayaw ni Duterte na kinekwestyon ang kilos niya at ang kanyang mga kaibigan.

RT-PCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with