_ngayon
^

PSN Opinyon

Pinagpistahan nu’ng nakakulong na!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Kasalukuyang nakakulong sa Pagadian City Police Station si Rommel Aguilar. Siya at ang kanyang kinaka­sama ay nagreklamo sa BITAG laban sa ilang doktor at kawani ng Zamboanga Del Sur Medical Center (ZDSMC).

Sa bisa ng tatlong warrant of arrest, inaresto si Rommel noong Setyembre 10. Ang kaso, 3 counts of Cyber Libel na isinampa ng Pagadian police na si Cpl. Welito Nuena. Siya ‘yung pulis na inireklamo ni Rommel sa pambubugbog sa kanya sa presinto. Matatandaang matapos ma­ngako sa BITAG ay tumangging magpa-polygraph test ito sa amin nang nasa Pagadian City na kami.

Habang sinusulat ang kolum na ito, inaasikaso na ng Public Attorney’s Office sa Pagadian City ang motion to reduce bail sa P60,000 piyansa kada warrant of arrest.

Kapansin-pansin na kung kailan nasa kulungan na ang pobre, saka siya pinagpistahan at ininterview ng media. Samantalang nu’ng kainitan ng sumbong, kung saan kailangang marinig ang boses ng mga nagrereklamo, wala ang mga kapatid namin sa media sa Pagadian para kuhanan sila ng panig.

Nasaan kaya sila nu’ng kainitan ng isyu kung saan kumalat sa buong Zamboanga del Sur ang sumbong ni Rommel at ng kanyang kinakasama na ‘di magandang pagtrato ng ZDSMC? Sinundan pa nga ng iba pang nag­lutangang mga nagrereklamo sa serbisyo ng provincial hospital. Bakit kaya hindi nagsipag-research, hindi nagsipagbalita ang mga kasamahan ko sa industriya diyan sa Zamboanga del Sur?

Kung tutuusin, maraming makakalkal na baho riyan pero pawang mga nananahimik lang. Subukan n’yong gumawa ng survey sa mga residente hinggil sa serbisyo ng inyong ospital? Masaya ba sila sa serbisyong ibinibigay ng mga naninilbihan sa lokal na pamahalaan? Alamin n’yo rin kung may katotohanan nga ba na may diskriminasyong nagaganap sa ZDSMC at palawakin ang temang “public service is a public trust.”

Ito’y katanungang may halong pagtataka lamang: mga kasamahan ko sa media diyan sa Zamboanga Del Sur, where the hell are you noong nangangailangan ng boses at pinagtutulungan ang mga nagrereklamo?

O sa’yo naman Cpl. Nuena, bahala ka na kung sasampahan mo rin ako ng kaso (dapat nga noon pa). Hanggang doon ka lang sa mga tao sa ibaba na kinakaya-kaya mo. Pero kapag mga kumakasa na sa inyo, kumukuyos na betlog mo.

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with