^

PSN Opinyon

Ingay mo noon, tameme ka ngayon?!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG pag-uusapan ay pagkakalkal ng umano’y mga ano­malya, mga iregularidad sa anumang sangay ng gob­yerno, si Sen. Richard “Dick” Gordon at ang kanyang Blue Ribbon Committee sa senado ang numero unong masigasig. 

Pa-flash back lang ako ng bahagya, babalikan ko ng konti ang nakaraan at nang maibahagi ang aking karanasan sa kanyang Senate Blue Ribbon Committee.  

Noong kami’y inimbita sa Senado, nagsasalita palang ako’y pinuputol na ni Sen. Gordon. Kinukuyog ako at iba pang mga resource person na para bagang “you are guilty until proven innocent.”

Natikman ko ang hilaw na angas mo at uri ng kabas­tusan mo sa akin. Hindi ako marunong makalimot kaya isa lang ang masasabi ko, bastos kayo. Estilong sadyang sinisira ang diskarte, may pangunguyog. Akala naman nila siguro, matitinag ako. 

Naranasan din ito ni Sen. Bong Go at marami pang ibang mga nainsulto at napahiya. Ang ilan, nawalan ng lakas ng loob na magsalita dahil makapangyarihan ang Senate Blue Ribbon Committee ni Sen. Gordon. 

Kaya nga kung pag-uusapan ay imbestigasyon sa Senado, “in aid of legislation” walang ibang magaling kundi siya – si Sen. Dick Gordon na ala-summa cum laude pa ngang maituturing. 

Eto na kamo, kung anong daldal niya sa kanyang mga hearing sa Senado, siya namang tameme niya ngayon sa hinihingi ni Rodrigo Duterte na annual report ng kanyang Philippine Red Cross. 

Well, well, well Sen. Gordon, bago ka magkalkal ng anumang baho sa bakuran ng iba, siguraduhin mong malinis din at walang umaalingasaw na baho sa bakuran mo. 

Kaya nga nakakabingi ang katahimikan mo senator­. Bilang chairman ng Philippine Red Cross, ba’t di mo kayang sagutin ang katanungang bakit hindi n’yo isinumite ang mga annual report na naglalaman ng inyong mga gawain at financial statement simula 2016 hanggang kasalukuyan? Hindi ko gawa-gawa ito ha, alinsunod ito sa Republic Act 10072, Section 7, letter h. 

Yung sinasabi ng PRC na “the funds were faithfully accounted for,” sino ang nagsabi nito kung hindi n’yo naman sinunod yung tamang proseso? Eh di ba ang Commission on Audit ay walang pakialam o kapangyarihan sa inyo?

May pananagutan ang PRC mo Sen. Gordon dahil may mga pondong inilaan din sa inyo ang pamahalaan. Ginawa n’yong mga mambabatas ang batas na Republic Act 10072, sundin n’yo yan, wag n’yong labagin. 

Start talking Sen. Gordon, tulad ng mga hearing na ginagawa mo sa Senado sa iyong Blue Ribbon Committee. Sagot!

vuukle comment

RICHARD GORDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with