^

PSN Opinyon

Magka-live-in subalit hindi kapwa may-ari

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

LEGAL na asawa ni Fernando si Imelda ngunit sila’y hiwalay na. Si Fernando ay nakipag-live-in kay Gloria. Habang magka-live-in, nakabili sila ng apartment kung saan pinatira ni Fernando si Gloria at ang dalawang ilehi­timong anak nila. Ang ibang pinto ng apartment ay pina­upahan sa mga kamag-anak ni Gloria.

Hindi nagtagal naghiwalay na rin sina Gloria at Fer­nando. Ayon kay Fernando may ibang kalaguyo si Gloria. Ayon naman kay Gloria nagseselos lang si Fernando. Bumalik si Fernando kay Imelda na legal niyang asawa.

Ang paghihiwalay nina Gloria at Fernando ay nauwi sa demandahan. Pinaalis ni Fernando at Imelda si Gloria at mga anak nito sa apartment ganoon din ang iba pang kamag-anak ni Gloria. Sa kanilang mag-asawa raw ang apartment. Bilang patunay ipinakita ni Fernando at Imelda ang deed of sale. Ayon naman kay Gloria, hindi siya ma­pa­paalis dito sapagkat ang apartment daw ay kapwa pag-aari nila ni Fernando. Nagpakita rin siya ng contract to sell.

Nanalo si Fernando at Imelda sa Municipal Trial Court (MTC). Ayon sa MTC sa mag-asawang lehitimo ang apartment. Umapela si Gloria sa Regional Trial Court (RTC). Sa kauna-unahang pagkakataon ikinatwiran ni Gloria na ayon daw sa batas (Art. 144 Civil Code) ang mga ari-ariang natamo nila ni Fernando habang sila’y magka-live-in ay itinuturing na kapwa sa kanila. At siya naman ay pinaburan ng RTC. Kaya binago nito ang desisyon ng MTC at sinabing si Gloria ay kapwa may-ari ng apartment at hindi puwedeng paalisin. Tama ba ang RTC?

MALI. Ang Article 144 ay angkop lang sa babae at lalaking­ nagpipisan na kapwa wala pang asawa at walang balakid sa kanilang pagpapakasal o dili kaya’y kahit may asawa na ang isa sa kanila, ang kanyang kasal ay walang bisa sa simula pa.

Hindi ito magagamit kung ang isa sa kanila ay may-asawa na sapagkat kakatwang magkaroon ng ibang kaari ang may asawang nakikiapid sa iba samantalang kapwa may-ari na niya ang kanyang legal na asawa. Sa kasong ito maliwanag na nakikiapid lang si Fernando kay Gloria. Hindi sila maaaring mag-asawa sapagkat may legal na asawa na si Fernando.

Maaari lang maging kapwa may-ari si Gloria ng apartment kung mapapatunayan niyang siya’y tumulong at nag-ambag din sa pagkakabili ng nasabing apartment habang sila’y magkapisan ni Fernando. Wala namang naging pruweba si Gloria tungkol dito maliban sa kanilang pagpipisan lamang. Ang pagpipisan ng walang kasamang aktwal na pag-ambag ay hindi nangangahulugang kapwa sila may-ari.

Wala ring kinalaman ang karapatang suporta ng mga ilehitimong anak ni Fernando. Sa kasong ‘‘ejectment” tulad nito, ang pinag-uusapan lang ay kung sino ang may karapatang umokupa sa apartment.

Kaya maaaring paalisin nina Fernando at Imelda si Gloria sa nasabing apartment (Tumlos vs. Spouse Fernandez G.R. No. 137650 April 12, 2000).

vuukle comment

APARTMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with