^

PSN Opinyon

Ano ang granular lockdowns?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IBIG kong sama-sama nating unawain sa abot ng aking nakakalap na impormasyon kung ano ang tinatawag na “granular lockdown”. Kahit ako ay nagtatanong din kung ano ang Ibig sabihin nito.

Gusto ng ating gobyerno na makontrol ang pagkalat ng COVID-19. Ngunit ang pagpapatupad ng lockdown sa mga lugar na apektado ay masama ang epekto sa mga negosyo at trabaho. Mababawasan ang mga tatangkilik sa mga bahay-kalakal pati na ang mga taong sumasakay sa public transportation.

Marami ang matitigil sa hanapbuhay at mapipilitan ang gobyerno na pakainin sa araw-araw ang mga ito. Mababaon ang pamahalaan sa utang dahil wala naman itong pana­nalapi upang tugunan ang pangangailangan ng mama­mayang walang trabaho.

Wala na ring kakain sa mga restaurant dahil ang mga tao ay hindi puwedeng lumabas ng bahay. Ang granular lockdown na balak ipatupad ng gobyerno ay pagbabawal sa mga residente ng isang bahay o gusali na may nakati­rang tinamaan ng COVID-19 na lumabas. Pamahalaan na lang ang magrarasyon sa kanila ng pagkain.

Ngunit pinagdududahan ng OCTA research group kung makabubuti ang ganitong sistema. Paano raw kung ang isang rehiyon ay sadyang mataas ang kaso ng COVID-19? Malamang daw na  lalo pa itong tumaas kung gagawing pili o selective ang lockdown.

Nakalulunos ang ating kalagayan. Tayo na lang ang mag-ingat sa sarili nating kalusugan. Mahalaga ang pagpapa­tuloy sa takbo ng negosyo pero mahalaga rin na pangalagaan ang sarili laban sa nakamamatay na sakit. Malungkot lang dahil we cannot have the best of both worlds.

vuukle comment

COVID-19

LOCKDOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with