_ngayon
^

PSN Opinyon

Atty. Biyong Garing

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKAPAGMUNI-MUNI na si Atty. Biyong Garing, dahil papalaot na sa pulitika. Naghahanda na siya para tumak­bong congressman sa Muntinlupa City!

Si Biyong ang official candidate ng PDP-LABAN Cusi wing, sa nasabing lugar para sa May 2022 election.

Para sa kaalaman ng mga taga-Muntinlupa matagal na at mahigit 22 taon ng naglilingkod si Biyong sa nasabing lugar, dito siya nakilala bilang isang tunay na lingkod bayan na may puso at damdamin para sa mga mahihirap. Sabi nga, bigyan natin si Biyong ng pagkakataon para ipamalas ang kanyang makataong dedikasyon at serbisyo publiko sa mga taga-Muntinlupa City.

* * *

Bigyan ng ultimatum 

Kinuwestiyon ni AP partylist Rep. Ronnie Ong, ang lohika­ sa likod ng panukala na ipatupad ang naisalokal na mga granular lockdown upang mapagaan ang pagkalat ng COVID-19 at ang mga pagkakaiba-iba nito dahil gagawing mas mahirap ang buhay para sa maraming mga pamilya na halos hindi makahanap ng mga paraan upang kumita.

Sabi nga, hangga’t ang gobyerno ay walang laganap at mabisang testing at contact tracing system, walang mga lockdown na maaaring mabawas sa pagkalat ng virus.

Sa pagsisimula ng pandemic, ito na ang problema ngunit ang COVID Task Force ay hindi pa rin nakakagawa ng isang mabisang testing at contact tracing system. 

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, parang wala tayong natutunan pagkatapos ng dalawang taon sa pandemic. 

Ika nga, laging lockdown pa rin ang solution ng gobyerno!

Ikinalulungkot ni Ong na sa kabila ng paglikha ng Department­ of Information and Communication Technology, ang gobyerno ay hindi pa rin nakagawa ng isang single nationwide contract tracing system at isang pambansang database para sa mga fully vaccinated people.

Binigyang diin ni Ong na ang granular lockdown ay walang katuturan dahil makukulong nito ang madlang people na hindi positibo at tanggihan sila ng pagkakataong kumita. 

“Maaari bang pakainin at alagaan ng gobyerno ang mga pamilyang hindi papasok sa trabaho? Talagang hindi!” banat ni Ong.

PDP-LABAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with