^

PSN Opinyon

‘Sorry not sorry’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Maraming nag-aabang sa aking kasagutan sa ipinalabas na statement ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) National ukol sa akin.

Kinondena ng IBP ang estilo ng aking public service sa programa kong BITAG-Pambansang Sumbungan. Nabastos daw kasi ang abogadong miyembro ng IBP Iloilo Chapter.

Kinastigo ko raw sa ere ang kanilang miyembro hinggil sa kaso ng ama ng menor-de-edad na minolestiya umano ng kanyang amo sa Jaro, iloilo. Naging serye na ang kasong ito sa BITAG dahil nagkasanga-sanga at ngayon ay of public interest na.

Iresponsable, arogante raw ako at ang BITAG dahil inilagay na raw namin ang interpretasyon ng batas sa aming mga kamay.

Sa tingin ng IBP, nawawalan na raw ng tiwala ang taumbayan sa propesyon nila bilang mga abogado. Kasama na pati mga judge. Kaya naman, nananawagan ang IBP sa kanilang pagkokondena na mag-ingat sa pagdulog ng mga problemang legal sa mga programang public service na diumano’y nangangako ng mabilisang hustisya lamang.

Dahil ayon sa IBP, ang mabilisang hustisyang ipinag­lalaban ng mga programang tulad ng BITAG ay, quote and quote, verbatim; “at the expense of fundamental rights to privacy and due process.”

At kung may mga reklamo man laban sa mga abogado at huwes, it should, muli quote and quote, verbatim: “be brought to the proper procedure and venues, as should all disputes incapable of amicable settlement.”

IBP, why don’t you look at the bigger picture here? Dapat n’yo sigurong pag-ukulan ng pansin ang malinaw at matinding pang-aapi at pang-aabuso sa tunay na biktimang menor-de-edad at sa kanyang ama sa kasong ito.

Sa opinyon ng BITAG, ang hakbang na ginawa ng kliyenteng nirepresenta ng abogadong miyembro ng IBP Iloilo, ay isang estilo o pamamaraan ng counter-attack. Na ang layunin ay gipitin nang husto ang pamilya ng bik­timang diumano’y minolestiya para lituhin at manahimik.

Para sa kaalaman ng lahat, walang-wala ang pamilya ng pobreng menor de edad.

Ang kanyang ama na ipinakulong sa pamamagitan ng anim na kasong isinampa sa tulong ng abogadong miyembro ng IBP-Iloilo ay isang fish vendor.

Mantakin n’yo, anim na warrants of arrest na may piyansang P36,000 bawat warrant.  Sumatotal, mahigit P200,000 na piyansa. Saan ito kukunin ng pobreng pamilya? Dahil dito, nakulong ng dalawang gabi ang ama ng menor de edad na minolestiya. Kung hindi siguro nanghimasok ang BITAG, nasa kulungan pa hanggang ngayon ang ama.

Maaaring sinunod ng abogado ang rules of procedure. Ngunit sa aking pananaw, baka nawawala na ang tinatawag na “moral values” dito.

Pansinin n’yo ang anim na kasong isinampa laban sa tatay ng biktimang menor de edad dahil para sa BITAG, it’s an impression of grave aggression and oppression.

Ako, si Ben Tulfo ay mensahero lamang sa totoong nangyayari sa mga naaapi at mahihirap nating kababayan. Kaya kung kinokondena n’yo ako, well, sorry not sorry.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with