^

PSN Opinyon

Sa Taliban nga lang dapa na ang U.S. sa China pa kaya?

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Nasa kanyang Southeast Asian tour si U.S. Vice President­ Kamala Harris. Ngayon ay nasa Vietnam siya.

Hindi ko alam kung seryoso si Kamala sa kanyang mga sinasabi laban sa China.

Aniya, kinakailangan daw paigtingin ang “pressure” o panggigitgit laban sa China ng mga bansang kaanib ng Association of Southeast Asian Nation kabilang na ang Pilipinas. Ang isyu, pambubully ng China sa ASEAN na may kinalaman sa maritime claims.

Gustong sabihin ni Kamala, dapat daw manindigan ang Vietnam, Pilipinas, Malaysia sa labis na panduduro ng China.

Ang lakas himukin ang mga nasa ASEAN na lumaban at gumawa ng paraan na matapatan ang nandudurong bansa.

Pero pansinin n’yo, sa kasagsagan ng isyu ng pagkakakubkob ng Taliban sa Afghanistan, nasa ASEAN tour si Kamala.

Habang nagkakandautal at nag-iiba-iba ang pahayag ni U.S. Pres. Joe Biden sa nakakahiyang pagpull-out ng US forces sa Afghanistan, nasa ASEAN naman si Kamala at hinihikayat ang maliliit na bansa na lumaban sa higanteng bansa.

Pero wala naman silang magawa sa Taliban na kinub­kob na ang U.S. bases at airport sa Afghanistan.

Ang laking kahihiyan nito sa kasaysayan ng U.S. Naulit­ ang nangyaring pag-abandona ng U.S, sa Vietnam noon.

Alam kaya ni Kamala na patuloy ang panduduro ng Taliban sa U.S. citizens na naiipit sa Afghanistan at pama­ma­hiya sa U.S. military?

Kumbaga ang sinasabi ng ilan, sa Taliban nga lang ay dapa na ang U.S. sa China pa kaya.

Si Kamala nga pala ‘yung malimit kutyain ng mga pilyong media sa US dahil sa kanyang paghahalakhak tuwing siya’y ini-interview sa mga isyung kanilang tinatalakay.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with