_ngayon
^

PSN Opinyon

Ang P13 milyong na relo

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nag-viral sa social media nung nakaraang linggo ang larawan ni Health Secretary Francisco Duque na nakasuot ng napakamamahaling relo na Audemars Piguet. Tiningnan ko sa google ang presyo ng relo at hindi ako makapaniwala. Nakalululang mahigit sa P13-milyon ito!

Kung ito ay isa na namang fake news bunga ng mani­pulation sa photoshop, kinukondena ko ang gumawa nito porke isa na namang below the belt na pag-atake. Pero kung ito’y totoo, aba eh, nakakahiya para sa isang opisyal ng gobyerno. Ang retrato ay kuha nang siya ay humarap sa Congressional hearing tungkol sa iregular na paggamit ng pondo ng DOH.

Napakalaking kayamanan nito para sa ordinaryong tao. Ibigay mo ang halagang iyan sa 10 maralita at hindi mag­tatagal, magiging big-time businessman na sila kung marunong magnegosyo.

Sasabihin siguro ng iba na kung legal naman ang pera mo at hindi ninakaw, it’s never a crime to live ostentatiously. Pero hindi lahat ng legal ay moral lalo pa’t nakapa­libot sa iyo ang milyun-milyong mahihirap at kumain-dili. Isa pa, si Duque ay nahaharap sa isyu ng maling pag­gamit ng P67 bilyong pondo para sa COVID-19 response. Wala pa akong narinig na denial mula kay Duque sa alegas­yong ito.

Paanong maaatim na mamumuhay sa laksa-laksang karangyaan ang isang opisyal ng gobyerno habang marami siyang kababayang nangangalkal ng basura para may makain?

May magandang anekdota tungkol sa kilalang tycoon na si Lucio Tan na laging economy class ang sinasakyan tuwing kailangang maglakbay kahit siya ang may-ari ng PAL. Ang katwiran niya, mauuna raw ba siyang darating sa destinasyon kung business class ang pipiliin niya?

Si Tan ay hindi public official pero alam niya ang virtue ng pagpapakababa. Kasama marahil iyan sa mga panuntunan niyang sinusunod kaya siya yumaman. Frugality. Para sa isang public servant, mainam na mamuhay lang ng simple para magkaroon ng kredibilidad sa taumbayan.

FRANCISCO DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with