^

PSN Opinyon

Inabuso ang karapatan

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SI Cathy ay empleyado ng isang airline company na may­­roong opisina sa isang malaking mall. Minsan naisipan­ niyang bumisita sa isang tindahan ng mga damit at matapos­ magsukat ng da­lawang pantalon, blusa at isang shorts, na­isipan niyang bilhin ang isang itim na pantalon na nagka­kahalaga ng P2098.00.

Binayaran ni Cathy ang pantalon at nagpunta sa isa pang tindahan. Sinundan siya ng isang empleyado ng tindahang binilhan niya ng pantalon at sinabing hindi pa niya ito nababayaran. Iginiit niyang binayaran na niya sa harap ng mga kliyente ng airline company at ipinilit na kunin ang bayad ng pantalon. Hindi pa dito nagtapos ang pangyayari.

Ikinagulat ni Cathy ng malaman niyang nagpadala ng sulat ang may-ari ng tindahan sa kanyang employer at sa HR department ng mall na inaakusahan siya at puno ng paninirang puri sa kanyang katauhan. Nagsampa si Cathy ng “Complaint for Damages” laban sa may-ari ng tindahan. Sinabi niyang nagdulot ito ng labis na pisikal at emosyal na pasakit sa kanya dahil sa kahihiyan at pani­nirang puri at hindi rin siya makatulog ng maayos dahil sa mga kaga­napan.

Sa kanilang sagot, sinabi ng may-ari ng tindahan na gina­mit lamang nila ang kanilang karapatan upang tanungin si Cathy kung nabayaran ba o hindi ang pantalon. Sinabi nila na hindi lamang nagkaintindihan ang kanilang emple­yado kaya gumawa sila ng paraan upang kausapin si Cathy ng mahinahon.  

Dinismis ng Mababang Hukuman (RTC) ang kasong isinampa ni Cathy. Sinabi ng RTC na si Cathy ang naglagay sa kanyang sarili sa sitwasyong iyon ng ipakiusap niyang doon na lamang sila mag-usap sa kanyang opisina. Ang sulat daw na ipinadala ng tindahan sa employer ni Cathy ay upang hilingin lang ang kanilang ayuda upang siya’y makausap. Malinis daw ang kanilang intensyon. 

Ngunit binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC at sinabing may masamang intensyon ang tindahan sa pagpapa­dala ng sulat sa employer ni Cathy. Hindi lamang sila sumulat upang singilin siya kung hindi ay siniraan pa nila ito. Ang aksyong ito ay hindi katanggap-tanggap dahil wala silang ebi­densya at may naipakitang sapat na ebidensya si Cathy na naba­yaran nga niya ang pantalon. Hindi dapat ginagamit ng labis at sa maling paraan ang kanilang karapatan dahil kung ito ang mangyayari, malaki rin ang kanilang pananagutan. Sinabi rin ng Supreme Court na hindi dapat inaabuso ang ating karapatan at dapat lamang ito gamitin sa makatarungan at matuwid na pamama­raan. Napatunayang inabuso ng may-ari ng tindahan ang ka­nilang karapatan (California Clothing Inc. and Michelle S. Ybañez vs. Shirley G. Quiñones, G.R. No. 175822, October 23, 2013).

vuukle comment

KARAPATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with