_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ingatang makorap ang ibibigay na ayuda

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Ingatang makorap ang ibibigay na ayuda

Ngayon ang simula ng enhanced community­ quarantine (ECQ) sa National Capital Region­ (NCR) at iba pang lugar. Ngayon din umano ipa­ma­mahagi ang perang ayuda para sa mga maa­apektuhan ng dalawang linggong lockdown.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakahanda na umano ang ayudang ipamama­hagi sa may 10.7 milyong residente ng NCR. Sabi ni Roque, tatanggap ang indibiduwal ng P1,000 samantalang P4,000 naman ang bawat pamilya. Ang pondo, ayon kay Roque ay kinuha sa savings ng lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan. Nasa P13.1 bilyon ang kabuuang pondo para sa mga maaapektuhan ng lockdown sa NCR.

Karamihan ay mga mawawalan ng trabaho sa dalawang linggong lockdown. Maraming establisi­miento ang magsasara kabilang ang mga barberya­, restaurant, gym, salon, spa, at marami pa.

Handang-handa na umano sa pamamahagi ng ayuda at ipinangangakong lahat ng mga apektado ay makatatanggap. Magandang balita ito. Ang hindi malinaw ay kung paano ipamamahagi ang ayuda. Gaya rin ba ng nakaraan na ipinadaan pa sa baran­gay at nagtiis sa mahabang pila ang mga residente? O sa mga remittance center na lang kukubrahin ng beneficiaries.

Noong nakaraang taon na isinailalim sa ECQ ang Metro Manila at mga karatig lalawigan, nagkaroon ng kaguluhan sa pamamahagi sapagkat maraming barangay officials ang inakusahang kinu­rakot ang ayuda. Maraming kamag-anak at pati kasambahay ng barangay chairman ang nasa listahan.

May mga korap na barangay officials na binaba­wasan ang ayuda. Nakunan pa ng video ang pangu­ngurakot at napanood pa mismo ni President Duterte­. Galit na galit ang Presidente at napamura sa nangyaring katiwalian.

Ingatang makorap ang ayuda. Huwag nang idaan sa barangay para maiwasang nakawin. Siguruhin din naman na ang mga makatatanggap ng ayuda ay mga lehitimong residente at walang pinagka­kakitaan. Siguruhin na lahat ay makatatanggap at hindi makikinabang ang mga korap.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with