_ngayon
^

PSN Opinyon

Miski gumaling ka na, COVID-19 umeepekto pa

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

May kakilala ako na matapos gumaling sa moderate COVID-19 infection ay saka pa lang nawalan ng panlasa nang mahigit tatlong buwan. Maraming naka-recover mula sa severe COVID flu ay nakakaranas ng “brain fog” – biglang nawawala sa sarili, o nakakalimutan ang gagawin, sasabihin o iniisip. May mga madaling mapagod o hingalin sa konting aktibidad lang. Mga sintomas ‘yan ng post-COVID syndrome (PCS). Tinatawag din itong “long COVID” dahil sa pangmatagalang epekto ng COVID-19 infection sa mga tinamaan.

Tinuturing na PCS kapag mahigit tatlong buwan ang sintomas na dinaranas. Pinag-aaralan ng mga doktor ang iba-iba pang mga sintomas, sino ang nakakaranas, at ano ang dahilan at lunas. Magiging mahalaga ang pag-aaral sa pagkontra sa iba pang pandemya, sa gastusin sa public health, at sa medical insurance.

Sa ngayon nababatid sa datos ng maraming bansa na middle aged, 40-50 ang nagkaka-PCS. Mas marami nang bahagya ang mga babae. At mayorya ay Caucasian – dahil siguro sila ang may perang pampakonsulta sa doktor at sanay kaysa mahihirap na Asyano o Aprikano na umusisa ng mabisang lunas.

Hindi lang COVID-19 ang may pangmatagalang epekto­ sa mga tinamaan. Mahigit isang milyon ang pinatay ng Russian coronavirus nu’ng dekada 1890 hindi lang dahil walang immunity ang mga tao kundi walang gamot sa panghihina ng katawan miski sinat lang. Ganundin sa Spanish flu ng 1918 na sumira sa sigla ng milyun-milyon. Maraming hindi makapasok sa pabrika. Nagkagutom pa nga sa Tanganyika, ngayo’y Tanzania, dahil walang lakas ang mga tao para magsaka. Anang mga doktor, malamang na malalim ang pagwasak ng COVID-19 sa tissues, o nasisira ang immune system, o may naiiwang parte ng virus.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

COVID-19
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with