_ngayon
^

PSN Opinyon

Bilisan ang pagbabakuna

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Araw-Araw, mahaba ang pila sa vaccination sites. Madaling araw pa lang may nakapila na. Kahit umuulan at bumabaha hindi sila umaalis sa pila. Taliwas ito sa laging sinasabi ng pamahalaan na malaki pa raw ang porsiyento ng mamamayan na ayaw magpabakuna.

Marami ang gustong magpabakuna. Sa pila ay mayroon pang nag-aaway dahil may gustong sumingit. Mayroon pang nagwo-walkin para mabakunahan. Nagpapakita lamang ito na marami ang gustong magpabakuna pero mabagal ang pamahalaan sa pagsasagawa.

Sa datos ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., nasa ka­buuang 37,275,800 doses ng vaccines na ang duma­ting sa bansa mula noong Marso. Sa bilang na ito, 21,883,781 doses na ang naiturok.

Ayon pa kay Galvez, 12,058,315 ng populasyon ang nabakunahan sa unang dose at 9,825,466 na ang fully vaccinated. Ibig sabihin humigit-kumulang 10 milyon pa lamang ang nababakunahan?

Kung tatayain, nasa 13.87 porsyento pa lamang ng population ang bakunado. Ibig sabihin, tatlong porsiyento lamang bawat buwan ang nababakunahan. Sa ganito kabagal na pagbabakuna, matatagalan pa bago maabot ang hinahangad na herd immunity.

Ngayong nasa ECQ ang NCR at iba pang lugar, nararapat na ipagpatuloy ang pagbabakuna. Maging istrikto­ habang naka-lockdown pero palawakin at bilisan naman ang pagbabakuna. Kailangang mabakunahan ang nakararami para maprotektahan lalo sa kinatatakutang Delta variant.

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

NTF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with