_ngayon
^

PSN Opinyon

Gov. Alvarez, h’wag kang matakot, hindi ako buwaya

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Sa Facebook page ng Palawan Star, naibalita ang tungkol sa dalawang pulitiko sa Palawan na dapat ipakain sa buwaya. Ito ‘yung mga pulitiko na nabanggit ko sa aking programa sa telebisyon.

Ito’y matapos magreklamo sa BITAG ang parish priest ng Culion Island, Palawan sa panggigipit sa kanya ni Mayor Virginia de Vera at umano’y tila kutsabahan nito sa governor ng Palawan.

Sabi ni Palawan Gov. Jose Alvarez, dapat daw sa mga pari, ipakain sa buwaya. Sinabi ko naman na kapag pina­kain ang mga pari sa buwaya, sino na ang magmimisa at gagabay sa espiritwal na aspeto ng mga tao kaya dapat silang mga pulitiko ang ipakain sa buwaya.

Natawa ako at nailing dahil karamihan ng mga komento ay talaga namang nakakaloko. Sabi ng isa, “kuma­kain ba ang buwaya ng kalahi niya?” Ang isa naman, “Sir, hindi kumakain ang buwaya ng kapwa niya buwaya!’’

May isa pa, “Naku siguradong iluluwa ‘yan ng mga buwaya sa laki at kunat ng mga ‘yan!” Habang ang isa naman, “mapuputulan ng ngipin ang buwaya sa tindi ng mga ‘yan!”

Ang tanong ko, ganito ba kalaki ang galit ng mga taga-Palawan sa kanilang mga iniluklok na lider sa pro­binsiya? Ayon sa Palawan Star, hindi pa rin umano suma­sagot si Governor Alvarez  sa isyung ito.

For the record, maraming beses kong tinawagan si Governor Alvarez sa kanyang tanggapan sa kapitolyo at maging sa kanyang mobile number subalit napakahirap talaga niyang mahagilap.

Paulit-ulit na rin ang aking panawagan sa ere na “Go­vernor, parang awa mo na, makipag-usap ka sa akin. Wala kang dapat ikatakot dahil hindi naman ako buwaya. Hindi kita kakainin. Trabaho lang ito, walang personalan.”

Ang aking pakay ay ipaabot ang reklamo ng mga residente ng Culion Island at sagutin kung may katotohanan ang sumbong ng kura paroko.

Ginagawa ito ng BITAG sa ngalan ng patas na pamamahayag. Baka matulad na naman ito sa isyu ng Zamboanga del Sur Medical Center na sila na itong tinawagan, pinuntahan at sinulatan pero tumangging magbigay ng panig, sila pa ngayon ang malakas ang loob na sampahan ako ng cyber libel. Ang sagot ko: Bring it on Doc!

BITAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with