_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Matitinong pulis ilagay sa checkpoints

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Matitinong pulis ilagay sa checkpoints

Bukas ay simula ng istriktong enhanced com­mu­nity quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya. Kasabay nito, maglalatag na ng checkpoint ang PNP para ganap na mapigilan ang paglabas at pagpasok ng mga tao. Bagama’t nagpatupad na ng advanced checkpoints ang Philippine National Police (PNP) noong Linggo, bukas ay inaasahang mas mahigpit ang pagpapatupad. Titi­yakin na maipatutupad ang naaayon sa ipinag-uutos para maiwasan ang pagkalat nang kinatata­kutang Delta variant.

Kapag nasa ilalim na ng ECQ ang Metro Manila dito na magkakaroon nang paghihigpit at hindi na papayagang may makalabas at makapasok. Mga health workers lamang at mga nagdedeliber ng pagkain ang papayagan. Magkakaroon muli ng quarantine pass ang mamamayan. Hindi papayagan na makalampas sa checkpoint ang walang quarantine pass at mga kaukulang dokumento.

Noong nakaraang taon, maraming naitalang pang-aabuso ang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint. May binaril at napatay ang mga pulis. Isang halimbawa ay nang mapatay ang retiradong sundalo na si Winston Ragos sa isang checkpoint sa Quezon City. May baril daw ang sundalo kaya binaril. Napag-alamang may stress disorder ang sundalo.

Isa pang halimbawa ay ang malupit na pagpa­parusa sa mga lumalabag sa curfew. Isang lalaki sa Gen. Trias, Cavite ang bumili ng tubig dakong alas sais ng gabi, oras ng curfew noong Abril 2, 2020. Hinuli ang lalaki na nakilalang si Darren Peñaredondo at pinarusahan sa pamamagitan ng pag-push up. Kina­bukasan, hindi siya makahinga at namatay nang sumunod na araw.

May naitala ring pambabastos sa mga babaing motorista kung saan kung anu-anong mga salitang bastos ang sinasabi ng mga pulis sa checkpoint.

May mag-asawa pang sinabihan ng mga nasa checkpoint na maghalikan para mapatunayan kung mag-asawa nga sila.

Ilan lang ang mga ito sa nakitang pang-aabuso noong nakaraang taon sa checkpoint. Hindi na ito dapat maulit. Ngayong si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar­ na ang may control, inaasahang hindi na ma­uulit ang mga nangyari. Alam namin, hindi niya ito haha­yaan. Matitino ang ilagay niya sa checkpoint para wala nang aabuso o mambabastos sa mamamayan.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with