_ngayon
^

PSN Opinyon

Rep. Cayetano, VP Robredo pantay sa survey ng OCTA

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa survey ng OCTA Research, umakyat ang ranking ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at pumantay na kay Vice President Leni Robredo.

Hindi pa masyadong matunog ang pangalan ni Caye­tano na tatakbo for President pero pumantay na siya kay VP Leni.

Ibig sabihin, kapag nakikita ng tao ang mahusay mong performance magkakaroon ng clamor ang madla na pamu­nuan mo ang bansa. Ganda rin ito ng pag-angat ng poli­tical maturity ng mga botante na tumitingin na sa kuwa­li­pi­kasyon at hindi sa popularidad.

Sa survey ng OCTA Research mula July 12-18, 2021, umakyat sa 5% ang score ni Cayetano mula sa dating 3% na score nito. Magkapareho na sila ng ranking­ ni Vice President Leni Robredo. Mukhang ineenjoy ngayon ni Cayetano ang naisip o napagtanto ng mga botante na mas mahalaga para sa isang kandidato na makatulong sa ating mga kababayan at hindi lamang dahil sila ay popular o sikat.

Halos naungusan ni Cayetano si Robredo na matindi ang media mileage mula pa noong nakaraang taon. Limitado lamang ang media mileage ni Cayetano ngunit hindi ito naging dahilan para gumanda ang kanyang ranking sa OCTA research presidential survey.

Patuloy din ang pamamahagi ng 10K ayuda at P3,500 na puhunan sa sari-sari stores para ma­ka­­tulong sa ating mga kababayan na iginupo ng COVID­-19.

OCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with