_ngayon
^

PSN Opinyon

May karapatan ang Pilipino Report Card

Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Napukaw ang ating damdamin ng makasaysayang pa­nalo ni Hidilyn Diaz bilang Olympic champion. Hindi na rin natin matantanan ang pagtaguyod sa iba pang mga atletang Pilipino na kumakatawan sa ating pangarap at pag-asa sa Tokyo Olympics.

Manalo man o matalo, ipinagmamalaki ng bawat Pilipino ang kanilang pagpupursigi at pagtaas ng bandila sa entablado ng mundo. Sa hanay ng ating boxers ay naka­sisiguro na tayo ng tatlong medalya. Si Nesthy Petecio­ na humantong sa finals ng kanyang featherweight divi­sion­ ay naungusan ng kalaban niyang Haponesa. Ma­iuuwi ni Nesthy ang silver medal, ang kauna-unahang medalyang mapapanalunan ng Pilipinas sa larangan ng women’s boxing.

Sina Eumir Marcial naman at Carlo Paalam sa Men’s boxing ay kapwa nakapasok na sa semi-finals ng kanilang dibisyon at sigurado na sa bronze medal. Sakaling manalo sa semi-finals at makapasok sa final round, gold or silver pa ang kanilang mapapanalunan.

Maliban sa ating boxers, mayroon pang atleta na ma­aring pagmulan ng karagdagang medalya at karangalan. Si Ernest John Obiena na isa sa mga paborito sa men’s pole vault event at ang ating women golfers, Yuka Saso at Bianca Pagdanganan na nag-uwi na noong Asian games ng gold medal sa kanilang event.

Karangalan din ang hinatid nina Carlos Yulo, Margielyn­ Didal, Kristina Knott, Cris Nievarez, Juvic Pagunsan, Kurt Barbosa, Kiyomi Watanabe, Irish Magno, Remedy Rule, Luke Gebbie, Jayson Valdez, Elreen Ando sa kani-kanilang kompetisyon.

Ito na ang pinakamagandang naging resulta ng Pilipinas sa kasaysayan ng ating pakikilahok sa Olympic games. Huli tayong nakapag-uwi ng tatlong medalya noong 1932. At siyempre, ngayon lang tayo naka-gold!

Patuloy sana nating antabayanan at suportahan bilang bansa ang magigiting nating atleta nang maramdaman nilang lalo na hindi sila nag-iisa sa laban. At doon sa mga hindi pinagpala, salamat nang marami sa inyong pakikilahok sa ngalan ng Pilipino.

Hindi na talaga maikakaila na ang Pilipinas ay may karapatan na mapabilang sa hanay ng pinakamagagaling na bansa sa mundo.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with