_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sanayin muna ang mga magbabakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sanayin muna ang mga magbabakuna

NANG magsimula ang vaccination campaign noong Marso, sinabi ng Department of Health (DOH) na kabilang sa mga magbabakuna ay mga volunteers health workers na kinabibilangan ng nurses at midwifes. Noong una, walang gaanong problema sa pagbabakuna pero nitong mga nakaraang buwan, nagkakamali na ang health workers at inamin naman ito ng DOH. Sobrang dami raw kasi ng binabakunahan kaya dapat intindihin ang kalagayan ng volunteers.

Subalit nagkasunud-sunod na ang mga masasabing­ kapalpakan sa pagbabakuna. Hindi na maiipagwalam­bahala sapagkat sangkot na ang kalusugan o kala­gayan ng nagpapabakuna. Kung magpapatuloy ang mga pagkakamali, malalagay sa peligro ang mga baba­kunahan.

Unang nagkaroon ng kontrobersiya noong Hunyo ng dalawang health workers ang hindi naiturok ang bakuna. Hindi nadiinan ang heringgilya para ma­ipasok ang vaccine sa taong babakunahan. Walang naibakuna sa tao. Na-videohan ang pangyayari kaya naireport sa Department of Health (DOH). Sabi ng DOH dapat unawain ang health workers na nagvolun­teer na mag-vaccinate. Pagod na raw marahil sa rami ng binabakunahan.

Pero noong nakaraang linggo, isa na namang pagkakamali ang nangyari na may kaugnayan din sa pagbabakuna. Mas delikado ang nangyari sapagkat ibang brand para sa second dose ang naiturok sa lalaking senior citizen. Nangyari ang insidente sa Mandaluyong City.

Ayon sa maybahay ng 64-anyos na lalaki, Sinovac umano ang itinurok sa kanyang asawa na dapat ay AstraZeneca dahil ito ang ibinigay sa first dose. Nakalagay naman umano sa vaccination card ng kanyang asawa na AstraZeneca vaccine ang unang itinurok pero bakit Sinovac ang binigay sa pangalawang dose. Hindi man lang daw nagtanong ang vaccinator at hindi rin nagbasa kung ano ang ituturok, basta tinurukan na lang daw ang kanyang asawa. Ino­obserbahan pa ang lalaki sa Mandaluyong. Ganito rin ang nangyari sa Davao, kung saan ibang brand din ang naiturok.

Sabi ng DOH, iimbestigahan ang mga nangyaring pagbakuna ng ibang brand. Nagpaalala naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa local government units na dapat isang brand lang ng bakuna ang nasa vaccination site sa araw ng vaccination.

Tama ang sinabi ni Vergeire na isang bakuna lang dapat ang nasa vaccination site. Pero mas maganda pa rin kung isasailalim sa retraining ang mga vaccinator. Mahalaga ito para makaiwas sa lalo pang mabigat na pagkakamali.

DOH HEALTH WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with