^

PSN Opinyon

SONA 2021: Bigong Giyera kontra droga, korapsiyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

  

TATLONG minuto ang gold medal performance ni weightlifter Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics nu’ng Hulyo 26. Na­inspira ang Pilipino. Tatlong oras ang huling State of the Nation Address si President Rody Duterte kasabay nu’n. Nabagot sila. Biktima si Diaz nu’ng 2019 ng malisyoso at walang batayang paratang ng presidential spokesman ng tangkang pagpatalsik kay Duterte. Sumimpatya ang madla kay Diaz nang i-bash siya sa social media ng troll army ng administrasyon.

Ibinida ni Duterte ang ilang numero sa madugong giyera niya sa droga, na pumatay ng 6,000 suspects. Nawasak niya umano ang mga sindikatong droga dahil in-expose niya ang siyam na sangkot na PNP generals. Nagulat du’n ang PNP. Kasi, sa totoo, limang heneral lang ang pinangalanan ni Duterte nu’ng 2016. At ni walang detalye at paghabla sa korte bilang due process sa estado at sa mga pinangalanan.

Tahimik si Duterte sa iba pang numero mula mismo sa PNP appointees niya. Tatlong milyong adik ang sumising­hot kada linggo ng 3 milyong gramo ng shabu – kabuuang 3 tonelada – anila nu’ng Nob. 2019. Pero sa 156 na linggo mula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2019, 4.4 toneladang shabu lang ang nasabat nila – isa’t kalahating linggong konsumo lang. Kaya patuloy ang droga na humahagod ng P25 bilyon kada linggo at sumisira sa 3 milyong buhay. At hinahabla pa siya ng International Criminal Court sa hinalang 24,000 katao na pinatay.

Inamin ni Duterte na bigo siya sa pangakong burahin ang korapsiyon sa loob ng tatlong buwan. Ikatlong SONA niya pa lang nu’ng 2019 sinabi na niyang imposible ‘yon. Hindi naman talaga mabubura ang katiwalian, mababawasan lang kung matindi imbes malamya ang giyera.

Inamin din ni Duterte na wala siyang magawa kontra pang-aagaw ng China ng West Philippine Sea. Suko na lang imbes na pagtuligsa?

Hindi raw niya alam labanan ang COVID-19 dahil hindi niya inasahang magkakapandemya. Suko na lang din dahil nagulantang?

vuukle comment

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with